Bea Alonzo reveals she almost quit showbiz three times

IMAGE Instagram (@beaalonzo)

Bea Alonzo on the most important lesson she learned in showbiz: "You should always follow your heart, follow your gut feel."


Lingid sa kaalaman ng marami, tatlong beses palang naisip ni Bea Alonzo na huminto na sa showbiz.

Ito ang inamin ng Kapamilya actress sa episode ng ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, ngayong Martes, May 8.

Tinukoy niya ang dahilan kung bakit muntik na niyang talikuran ang showbiz.

“Siguro pagod, burn out…” sabi ng 30-anyos na aktres.

THE FIRST TIME. Una raw itong naramdaman ni Bea habang ginagawa niya ang teleseryeng Maging Sino Ka Man Book 1 (2006-2007).

Ayon kay Bea, bagamat pangarap talaga niyang mag-artista, hindi raw ito kagaya ng kanyang inasahan.

“Inisip ko, ‘Ah, eto na ba yun?’ Parang masaya ako, pero parang hindi ito yung ini-expect kong kasiyahan.”

Kinausap daw niya ang kanyang ina at tinanong kung puwede na ba siyang tumigil sa pag-aartista.

“Sabi ko, ‘Ma, okay lang ba tumigil na ako?’

"Ang bait ng nanay ko, sabi niya lang, ‘Okay lang. Kahit na tumigil ka. Kahit kailan mo gusto, anak, okay kami.’

"Never siyang namilit."

Binalak daw ni Bea na tumigil na sa pag-aartista pagkatapos gawin ang blockbuster film nila ni John Lloyd Cruz na One More Chance (2007).

Pero hindi raw iyon natuloy.

“Biglang nagkaroon ako ng ibang appreciation… parang there is more to acting than kung ano yung natutunan ko. Parang nanumbalik.

“Para siyang relationship, e, may second wave of love na natagpuan ko for this business,” saad ni Bea.

THE SECOND TIME. Muli na namang nakaramdam si Bea ng pagnanais mag-quit sa showbiz nang gawin niya ang pelikulang The Mistress (2012), kung saan si John Lloyd muli ang nakapareha niya.

Ayon kay Bea, “Parang nagkakaroon ako ng ano… floating.

“Iniisip ko, baka inuunahan ko, baka eto na yun. Inunahan ko, ‘Ay, patapos na. Hindi na nila ako love.’”

THE THIRD TIME. Ang pangatlong pagkakataong inisip ni Bea na umalis na sa showbiz ay nang gawin niya ang pelikulang The Love Affair (2015), kung saan nakasama niya sina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Personal naman yun,” pakli ng aktres tungkol sa dahilan ng pagnanais niyang mag-quit.

Pero may isang mahalagang bagay raw na natutunan si Bea sa kanyang buhay showbiz. 

Pahayag niya, “You should always follow your heart, follow your gut feel.

“Kasi minsan, when you overthink, dun nagkakaroon ng problema, e, when we second guess ourselves.

“So you should always, always follow your heart and pray.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN