Liza Diño on Ice Seguerra undergoing surgery: "Nandito ako if he chooses to go through it."

IMAGE Rachel Malaguit

Liza Diño on partner Ice Seguerra undergoing surgery: "I wanna make sure that it will not have any scientific side effects."


Ayon kay Liza Diño, pinag-uusapan nila ng kanyang asawa na si Aiza "Ice" Seguerra ang tungkol sa pag-transition ng huli.

Nababanggit ba sa kanya ni Ice na gusto nitong magpatanggal ng kung anumang bahagi ng pagkababae sa katawan niya? Aprub ba ito para kay Liza?

Sagot ng FDCP chairperson, “Oo, napapag-usapan namin ‘yan.

"Ako, for me, I cannot ano... hindi ko puwedeng diktahan kung ano ang pinagdadaanan niya bilang kung sino siya, bilang tao, di ba?

"Kumbaga, hindi ko masasabi na I understand yung journey niya into really celebrating his manhood or who he is.

“So, I can only empathize with what he’s going through because he wants to be yung... makita niya yung identity na alam niyang siya.

"So, nandito ako if he chooses to go through it. I support that."

Patuloy niya, "Pero in terms of... ako ang pinakaano ko lang is, I wanna make sure that it will not have any scientific side effects.

"Kasi kung yung health mo naman ang masa-sacrifice, you know.

"I’m sure he’ll understand where I’m coming from na, you know...

“Yes, mas maigi na dapat 100 percent sure muna tayo na walang side effects, kasi siyempre ayoko na because of that maging at risk yung health niya.

“But I’m here, I’m here for him.”

THE PROCESS. Kung itutuloy nila ang pagkakarooon ng baby galing sa kanila mismo ni ice, paano ang prosesong gagawin nila?

Kanino manggagaling ang egg cell, sa kanya o kay Ice?

Saad ni Liza sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, nakakatuwa, kasi it’s one of the things that we talked about.

“The limitations of our law makes it really, really complicated.

"Kumbaga, dito sa bansa natin, yung assignment ng kung sino yung nanay, sino yung nagpaanak, di ba?

"But if it’s going to be Aiza’s DNA and egg, so pinag-uusapan namin yun kung how.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro we’ll cross the bridge when we get there.

"I mean, I just hope that, you know, these are things na naririnig ng lawmakers natin na pinagdadaanan ng katulad namin.”

Hahanap ba sila ng surrogate mother?

“I’m the surrogate,” diin ni Liza.

Kukuha ba sila ng sperm donor?

“Oo, yun naman ang goal. Kukuha kami ng anonymous sperm donor.

"'Tapos ako yung surrogate. Ako yung magki-carry," proud na pagkakasabi ni Liza.

Nae-excite na ba siyang ipagbuntis ang baby nila ni Ice, if ever?

Sagot ni Liza, “Oo naman. E, dyusko, yung anak ko, yun ang kanyang hiling—birthday, Christmas, New Year... lahat na.

"So, kumbaga, it’s her dream."

May isang anak na babae si Liza mula sa kanyang dating pakikipagrelasyon.

Mangyayari kaya ito ngayong 2018?

“Siguro ngayon na mas may time kami a lot for our plans.”

Sino ang mamimili ng sperm donor?

“Kaming dalawa.”

Nais ba nilang sa isang foreigner ang kunin nilang sperm donor?

“Hmm,” sabay ubo ni Liza.

“Pero matangkad dapat.

“E, kasi, di ba? Oo naman. Hahaha!”

ICE'S RESIGNATION. Ano pinagkakabalahan ngayon ni Ice pagkatapos magbitiw bilang chairperson ng National Youth Commisison?

Ayon kay Liza, “Marami siyang shows ngayon. Hahaha! Bumabalik siya sa pagkakanta.

“Well, I think, it's very personal. Personal yung mga pinagdaanan niya in terms of ano... kung napolitika siya doon?

“Uhm, it’s there naman, e. Politics is everywhere.

"And I think, siguro, on his end, parang at the time he was serving the government and as a public servant, I can attest to the fact that he has given more than 100 percent of what he can do.

"Talagang hindi siya kumanta, hindi niya ginawa niya yung iba niyang passion dahil naka-focus talaga niya."

Kaya na nag-resign as NYC chair si Ice ay dahil gusto na nilang magka-baby?

“Naantala nang pagkataga-tagal. He really wants kasi hindi na rin naman bata sina Mommy [Caring] and si Daddy [Dick].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Mommy ano, talagang ano niya ‘yan, gusto niya in her lifetime, makita niya yung anak niya na magkaroon ng sariling anak.

“Yes, it’s part of it.

"At the end of the day, kumbaga, I’m here to support him. Sobrang I stand by his decision."

Sinabi ba ni Ice na gusto na nilang magka-baby?

“Hindi, hindi, hindi,” ngiti ni Liza.

“Maraming dahilan, but of course, nami-miss niya ang kanyang showbiz career. Nami-miss niya talaga yung ginagawa niya.

“Nahiya rin siguro siya sa recording label niya, kasi yung last contract niya, parang kailangan pa niyang gumawa ng isang album. Hindi niya nagawa.”

Wala ba siyang planong magbitiw na rin sa kanyang posisyon sa gobyerno gaya ni ice?

“Hindi naman!” tawan ni Liza.

May narinig ba silang pintas na nagsasabing inappropriate ang pagpapalit ng pangalan from Aiza to Ice?

Ayon kay Liza, “Oo, pero naku si Aiza pa?

"Dyusko, I mean, dito lang sa industrya natin, e, ang dami na niyang pinagdaanang transition, di ba?

“Naging lesbian, transgender, naging Ice.

"I mean, kung merong unforgiving or talagang ano pagdating sa kanya, it’s our industry on how easily ano, judge.

"So, yung mg ganyang ano sa politicis, naku ano, saka si Ice?

"Oo, sobrang immune na ‘yan. Ako pa nga ang umiiyak sa mga ganyang-ganyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN