Sunshine Cruz explains transfer from ABS-CBN to GMA-7

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz has a message to netizens who are angered by her transfer from ABS-CBN to GMA-7. She was part of the recently concluded Kapamilya teleserye Wildflower and is now slated to star in an upcoming Kapuso teleserye. 


Nagpaliwanag si Sunshine Cruz kaugnay ng paglipat niya sa GMA-7 mula sa ABS-CBN.

Huling napanood ang aktres sa Kapamilya prime time series na Wildflower, na nagtapos noong February 2018 pagkatapos ng isang taon sa ere.

Sa kanyang paglipat sa Kapuso network, pagbibidahan ni Sunshine ang upcoming drama series na Karibal Ko Ang Aking Ina.

Makakasama niya rito sina Bea Binene, Benjamin Alves, Zoren Legaspi, Bing Loyzaga, at David Licauco.

Sa kanyang Facebook account ngayong Martes, May 8, nag-post ng mensahe ang 40-anyos na aktres upang sagutin ang ilang netizens na hindi naging maganda ang pagtanggap sa ginawa niyang paglipat.

Payahag ni Sunshine, “Yung mga nagagalit o inaaway ako sa Instagram, please understand that I am not an exclusive artist of any station. Pwede ako magpalipat-lipat.

“As I’ve said, work is always a blessing to me and my kids.

“Lalo na po at malapit na ang pasukan. Need to work and save!”

Pinasalamatan din niya ang ABS-CBN at GMA-7 sa patuloy na pagbibigay sa kanya ng trabaho.

Saad ni Sunshine, “I am grateful and will always be grateful to ABS.

“I am a freelance artist and having this opportunity to be one of the lead stars of a teleserye is a blessing.

“Hindi lahat ng 40 years old ay mabibigyan ng pagkakataon na mag bida sa isang serye.

“Thank you to GMA dahil ang daming pwedeng mapili pero ako ang kanilang pinili for Karibal Ko Ang Aking Ina.”

 

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN