Derek Ramsay on his return to ABS-CBN: "It's pretty intense."

IMAGE Mark Atienza

"After this film and this whole rollercoaster ride, I'm gonna take some time like, just one week to gather it all in... Then, I think, we'll have a sit down and see what's in store for me whether I do shows sa network."


“I'm still soaking it all in and it's pretty intense.”

Ito ang naging reaksiyon ni Derek Ramsay sa muli niyang pagharap sa entertainment media sa press conference ng pelikulang Kasal, Lunes ng gabi, May 8.

Anim taon ding nawala sa Kapamilya network si Derek mula nang lumipat siya sa TV5 noong 2012.


Stories We Are Tracking

Derek Ramsay bids goodbye to TV5 after six years
Derek Ramsay bids goodbye to TV5 after six years

Subalit minsan na siyang tumuntong sa dating home network dahil naging bahagi siya ng pelikulang Ex With Benefits noong 2015.

Indikasyon na ba ng pagbabalik niya sa ABS-CBN ang muli niyang paggawa ng pelikula sa Star Cinema?

Sagot ni Derek, “I'm taking baby steps at a time.

“I'm soaking it all, the excitement and the blessings I've been given.

“You know, my contract with the other network just expired, and here I am doing a movie with Star Cinema.

"And I have another movie with them lined up already, we're taping next month."

Ayon kay Derek, pagkatapos ng pelikulang Kasal, magbabakasyon muna siya sandali.

Gagamitin daw niya ang panahong ito para pag-isipan ang mga susunod niyang hakbang para sa kanyang showbiz career.

“After this movie, I'm gonna take a week or two just to soak in, like, everything that's happening.

“It's like a rollercoaster right now,” aniya.

WORKING WITH ABS-CBN AGAIN. Base sa mga sagot ni Derek, tila nais niyang magkaroon pa ng mga susunod na proyekto sa Kapamilya network—mapa-telebisyon o mapa-pelikula.

Pahayag niya, “You know, I've always said that ABS-CBN made me who I am and made me realize the talent that I have, especially Tita Malou [Santos, former Star Cinema managing director].

“She strongly believed in me. I'll never forget the works that she gave to me.

“So many people here that I missed, that I've worked with throughout the years—from teleseryes to movies.

“I definitely would want to work with them again.” 

Sa huli, muling sinabi ng aktor na pag-iisipan muna niya nang mabuti bago sagutin ang tanong kung tuluyan na ang pagbabalik niya sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“After this film and this whole rollercoaster ride, I'm gonna take some time, like, just one week to gather it all in.

“Then, focus again in the new movie that's going to happen.

“Then, I think, we'll have a sit down and see what's in store for me whether I do shows sa network.”

Balik Kapamilya na ba si @ramsayderek07?

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN