Kyline Alcantara dismisses professional rivalry with Bianca Umali: "Okey po kami."

IMAGE Glenn Regondola

Kambal Karibal star Kyline Alcantara on handling bashers: "Natutuwa naman po ako kapag bina-bash nila ako, dahil ibig sabihin, nagagawa ko ang trabaho ko."


Itinanggi ni Kyline Alcantara na may namumuong professional rivalry sa pagitan nila ni Bianca Umali, ang co-star niya sa top-rating GMA-7 prime time series na Kambal Karibal.

In fact, mas nagiging magkaibigan pa raw sila habang patuloy ang pagsasama nila sa taping ng kanilang teleserye na muling na-extend ang pagwawakas sa ere.

Kung anuman daw ang napapanood na away at bangayan nila onscreen, hanggang dun lamang ito at hindi umaabot sa personalan.

All Star Videoke!!! Later! 7:40 pm. #ASVKungHeiFatChoi

A post shared by Kyline Alcantara (@itskylinealcantara) on

Pahayag ni Kyline, "Masaya ako kasi si Bianca ay professional po talagang katrabaho.

“Lalo na kapag may mga sabunutan o physical scenes po, pinag-uusapan talaga naming kung paano gagawin yun.

“Di kasi kami gumagamit ng double, pero kung sobra ano na talaga yung scene, gumamit kami.

"Pero kung hindi, ayun, nakatayo lang dun yung double."

Diin niya, “Pero okey po kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kyline sa Jin Joo Korean Restaurant, sa Eastwood, Libis, Quezon City, noong nakaraang linggo.

Personal siyang inimbitahan ng may-ari ng branch na ito dahil nalaman nitong mahilig ang young actress sa Korean foods.

HANDLING BASHERS. Aminado naman si Kyline na may mga natatanggap siyang pamba-bash mula sa mga tagahanga, pero hindi raw siya sigurado kung ito ay mga fan ni Bianca.

Aniya, “Oo naman po.

“Katulad ng ba’t ko raw inaagaw si Diego... si Miguel [Tanfelix]. Ang landi-landi ko raw...

“Well, it’s natural.

“Natutuwa naman po ako kapag bina-bash nila ako, dahil ibig sabihin, nagagawa ko ang trabaho ko.

“Napagkuwentuhan nga namin yun ni Bianca, ‘tapos sabi niya, ‘Sorry, ha?’

“Sabi ko, naiintindihan ko naman. Mabait po talaga si Bianca.”

Malawak naman daw ang pang-unawa ng 15-year-old Kapuso actress sa mga pambabatikos sa kanya ng ibang tao at hindi siya gaanong apektado.

Sabi niya, “Kailangan po talaga.

“Pinagtatawanan ko na lang sila. Alam naman po ‘yan nina Mama.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero kapag below the belt na, kapag tungkol sa family ko, sumasagot po ako in a professional way.

“Like, yung nambabara din, no, hindi ko po yun ginagawa.

“Pinapaliwanagan ko lang po sila.”

MAGPAKAILANMAN. Samantala, ipinalabas ang kanyang "The Kyline Alcantara Story" sa Magpakailanman ng GMA-7 noong Sabado, May 5.

Nag-trending ito at mataas ang rating na nakuha.

Bukod sa pinuri ang kanyang galing sa parte, marami ang curious malaman kung bakit siya pumayag na ipalabas ang kuwento ng kanyang buhay.

Ayon kay Kyline, “Una, sobrang saya ko po dahil mas nakilala ako ng Sunflowers ko [tawag niya sa kanyang mga tagahanga] nang much more deeper, at yun naman po talaga ang gusto ko.

“Yung strengths and weaknesses ko, kung bakit ganito ang attitude ko, kung bakit ganito ako mag-isip ngayon.

“Na marami ka talagang mapagdadaanan bago mo makamit ang tagumpay.

"Pero kung gusto mo talaga yun, kailangan mong paghirapan, kailangan mong tiisin at tanggapin ang lahat ng panlalalit sa 'yo.

“Kumbaga, positive thinking lang talaga and get inspired.

“Hugot lang po ng lakas ng loob sa Itaas, pa-thank you kay Papa God sa lahat ng blessings.”

Sa ngayon ay maghahanda na si Kyline para sa isang pelikula, at ang birthday concert niya na gagawin ng GMA Records sa September.

Ito ay matapos umabot ng 1 million likes ang challenge ng nasabing kompanya tungkol sa pagkakaroon niya ng isang concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN