Luis Manzano says he and Jessy Mendiola avoid talking about wedding plans

IMAGE Instagram

Luis Manzano says he and girlfriend Jessy Mendiola are trying to avoid talking about wedding plans because it's always the topic of choice during their interviews. He told PEP.ph, "As much as possible nga, ayaw na nga naming pag-usapan, kasi parang nawawala na yung magic sa amin."


Pabiro ang naging sagot ni Luis Manzano nang hingin ang reaksyon niya sa naging pahayag ng girlfriend na si Jessy Mendiola na handa na ito kung saka-sakaling mag-propose na sa kanya ang nobyo.

I’m happy when you’re happy my love. ♥?

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Ayon sa TV host, hangga't maaari ay iniiwasan na nilang pag-usapan kapag tinatanong sila kung kailan ba ang kanilang engagement.

Aniya, "Antay lang, antay-antay lang.

"As much as possible nga, ayaw na nga naming pag-usapan, kasi parang nawawala na yung magic sa amin.

"Every single time, 'yan ang napag-uusapan.

"Naiintindihan naman namin, we're thankful na gusto nilang makita kung paano mag-unfold yung love story namin.

"Gusto naming i-maintain yung magic, kasi if we talk all the time, parang madi-desensitize ka sa ganun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Luis sa set ng ASAP noong Linggo, May 6.


Stories We Are Tracking

Jessy Mendiola awaits proposal of Luis Manzano
Jessy Mendiola awaits proposal of Luis Manzano

NO ENGAGEMENT YET. Itinanggi naman ni Luis na may naganap nang proposal sa birthday celebration niya noong April 21 sa Solaire Resort & Casino sa Pasay City. 

Kabilang sa mga dumalo rito ang kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos, ang kanyang amang si Edu Manzano, stepdad na si Senator Ralph Recto, at stepbrother na si Ryan Christian. 

Naroon din ang ina ni Jessy na si Didith Garvida.

I’m happy when you’re happy my love. ♥?

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Ayon kay Luis, "Engagament? Di pa.

"I'm thankful nga, sabi ko nga, hindi lang nangyari, kasi wala namang rason para di mangyari.

"Hindi lang nangyari na nagsama ang dalawang part ng family ko.

"Sanay ako na laging to celebrate one with my mom side, dad side, pero never lang na nangyari na silang lahat pinagsama.

"Siya lang nakagawa, so thank you, thank you very much."

‘cos I miss you. ????

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

Si Jessy ang naging punong-abala sa pag-organize ng nasabing birthday celebration.

Sa hiwalay na interview sa aktres ay nabanggit nitong halos one week lang ang preparasyon niya sa surprise birthday party para sa boyfriend.

Sobra namang ikina-touch ni Luis ang gesture na ito ni Jessy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Iba ang ini-expect ko, ang ini-expect ko ay yung sa Solaire na dinner in the sky.

"Nagulat na lang ako na nandun ang lahat. Kahit ibang mga kaibigan ko from Thailand, nandun."

Kuwento pa ni Luis, "Nanggaling kami sa shoot nun, kami ni Jessy.

"Kaya pala ang dami niyang ginagawang tactics kasi may hinihintay na mga bisita.

"Hanggang sa everything happened."


Stories We Are Tracking

Luis thanks Jessy for inviting his family to his b-day party
Luis thanks Jessy for inviting his family to his b-day party


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN