Watch Now

Ai-Ai delas Alas celebrates Jiro Manio's 26th birthday

by Nerisa Almo
May 10, 2018
Ai-Ai delas Alas's birthday wish for Jiro Manio: "Wish ko for you makabalik ka na ng tuluyan sa mundo ng showbiz at tuluyan na din ang iyong pagbabago."

Tuluyang pagbabago ang birthday wish ni Ai-Ai delas Alas para sa anak-anakan niyang si Jiro Manio.

Sa kanyang Instagram post kahapon, May 9, ibinahagi ng Comedy Queen ang isang video kung saan inaawitan nila ng birthday song si Jiro, na nagdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan.

Kalakip nito ang larawan nina Ai-Ai at Jiro, kasama ang pamilya ng dating child actor.

Sa caption, sabi ng Kapuso actress, “Wish ko for you makabalik ka na ng tuluyan sa mundo ng showbiz at tuluyan na din ang iyong pagbabago... GOD BLESS YOU MORE.”

Si Ai-Ai ang isa sa mga naunang tumulong sa kay Jiro para sa kanyang rehabilitasyon.

Mula nang magkasama sila sa pelikulang Ang Tanging Ina, anak na ang naging turing ni Ai-Ai kay Jiro.

STORIES WE ARE TRACKING

AI-AI AND KIDS REACT TO NEGA COMMENT. Sa kabila ng pagiging positibo ng post ni Ai-Ai, mayroon pa ring nakalusot na isang komentong nagsasabing, “Pangit ni Ai Ai mukha chimay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang pagtatanggol sa kanilang ina, hindi ito pinalampas ng mga anak ni Ai-Ai na sina Sancho at Sophia.


Samantala, hindi naman ito binigyang pansin ni Ai-Ai. Sa halip, sumagot ang siya sa ilang fans na nagtanggol sa kanya.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
STORIES WE ARE TRACKING
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas's birthday wish for Jiro Manio: "Wish ko for you makabalik ka na ng tuluyan sa mundo ng showbiz at tuluyan na din ang iyong pagbabago."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results