Ian Veneracion downplays popularity issue with Richard Yap

IMAGE Noel Orsal

Ian Veneracion on popularity: "I just do stuff that I enjoy doing and if it brings fame, money, or respect from other people, it's still work for me to do these things."


Sinagot ni Ian Veneracion ang isyung mas sikat na raw siya ngayon kay Richard Yap.

Nagkasama ang dalawang Kapamilya actors sa pelikulang The Achy Breaky Hearts noong 2016, kung saan sila ang naging leading men ni Jodi Sta. Maria.

Pahayag ni Ian tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Richard, “The thing is, I don’t use that… personally, I don’t use [popularity] as basis.

“Kasi, for example, I love my job as an actor.

“I love working with different people, I love telling stories, doing scenes.

“If sa ibang show napapansin, sa ibang show hindi, that’s beside the point actually.”

Sabi pa niya, “You don’t do these things to be rich and famous.

“Obviously, [that's] for the wrong reasons.

“You do it because you love doing these things.

“If i will make you famous, e, di good.

“If it happens to bring you money, e, di, good.”

Paliwanag ni Ian, “Yun nga, hindi ako kumukuha ng survey, wala akong graph.

“Hindi ako nagme-maintain ng graph na, 'O kapag ginawa ko ba ‘to, ito ang magiging stand ko sa social perspective?'

“Hindi, I just follow my heart.

“I just do stuff that I enjoy doing and if it brings fame, money, or respect from other people, it’s still work for me to do these things.”

Nararamdaman ba niyang mas sikat siya ngayon kumpara noong mas bata siya?

“Alam mo, may mga nagtatanong din sa akin niyan,” sambit ni Ian.

“Pero maybe we think that it’s a big difference when, for example, you’re famous or not famous.

“You’re imagining, pero actually, no. It’s the same.

“I ride the same car, I live in the same house, I have the same wife, I have the same kids.

“I play guitar every morning, I ride the same motorcycle—it’s the same.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So siguro nga, nagbabago lang ang perception sa ‘yo ng ibang tao kapag click ang show mo ngayon, or hindi click ang show mo ngayon.

"Pero ikaw, wala namang diperensiya yun.”

FIRST MAJOR CONCERT. Gaganapin ang first major concert ni Ian, ang Ian in 3 Acts, sa Resorts World Manila, sa darating na Linggo, May 13.

Pero wala raw planong mag-imbita si Ian ng naging co-stars niya, tulad ni Bea Alonzo na nakatambal niya sa teleseryeng A Love to Last.

“Nahihiya akong mag-invite kasi kakanta ako, e!” natawang sabi ni Ian.

“Pero sa totoo lang, nahihiya akong mag-invite ng mga kaibigan kong actors kasi nga, feeling ko, baka tumaas ang kilay nila.

“If I’ll say na I have a concert, baka sabihin nila, 'Ha, concert? Ano ang alam mo sa music?'

“Di ba, may ganun? Nararamdaman ko yun, e.  So, nahihiya akong mag-invite.

“At the same time, siyempre ang daming magpapa-picture sa kanila.

"Ayokong maobliga sila para lang pagbigyan ako."

Pero puwede rin niyang maipakita na may kakayahan naman pala siyang kumanta.

Sabi ni Ian, “Sana, pero... saka excited ako.

“It’s a kind of show that I would want my family, my friends, my really close friends to watch because it’s not... hindi siya yung basta-basta show lang.

“Hindi yung napilitan ka lang pumili ng kanta and then kakantahin mo.

“It’s the whole concept, the flow.

“Siyempre, gusto kong makita nila, pero baka maging hassle sa kanila.

“Siyempre, mga celebrities sila, maraming magpapa-picture sa kanila. So, ayoko lang makaabala.”

WORKING WITH SHARON. Naisulat at nabanggit mismo ni Sharon Cuneta na isa sa mga gusto niyang makasama sa isang proyekto ay si Ian.

Ngunit ayon kay Ian, wala pang nakararating na offer sa kanya tungkol sa pagsasamahan nilang project ng Megastar.

“I have no idea. Nobody told me anything about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May nagtatanong lang if ever na magka-movie with Sharon Cuneta... of course, that would be great.

“Of course, I’ll be honored to be her partner in a movie.

“Pero wala pa, I don’t know, I don’t know.

“I don’t know if they’re talking about it, if they have plans. I have no idea, honestly.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN