Nora Aunor admits she once struggled with depression; reacts to clamor for her to get National Artist award

IMAGE Kapuso Girl Instagram

Nora Aunor on battling depression: "Siguro dahil na rin sa tagal ko sa show business, sa umpisa pa lang, nagkaroon na ako ng mga problema tungkol diyan sa loob ng show business, ngayon pa ba ako susuko? Hindi puwede, kailangan lumaban ka pa rin, kahit anong mangyari."


Just recently, naging isyu sa showbiz ang mga depression na pinagdaraanan at emptiness na nararamdaman ng popular stars tulad nina Sarah Geronimo at Vice Ganda.


Stories We Are Tracking

Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Sarah Geronimo breaks down at Las Vegas concert
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?
Vice on depression: Andami kong pera, ba't hindi ako masaya?

Ang tungkol dito ang isa sa itinanong sa Superstar na si Nora Aunor nang pumirma siya ng program contract sa GMA Network, Inc., kahapon, May 10.

Hindi naging maramot si Nora sa pag-aming nakararanas din siya ng pagod at depression.

Pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siguro dahil na rin sa tagal ko sa show business, sa umpisa pa lang, nagkaroon na ako ng mga problema tungkol diyan sa loob ng show business, ngayon pa ba ako susuko?

"Hindi puwede, kailangan lumaban ka pa rin, kahit anong mangyari.

“Kahit sinong tao, may karapatan na lumaban.

"Hindi dapat sumuko anumang bigat yung dinadala ng isang tao."

Pag-amin ni Nora, “Nagkaroon ako ng depression, matagal na yun, nung nawala yung tatay ko na unang-unang nawala sa akin, e, mahal na mahal ko yun.

"So, yun ang depression ko sa buhay."

NORMAL CHILDHOOD. Twelve years old si Nora nang mag-umpisa ang showbiz career niya, pero naging normal umano ang takbo ng kanyang childhood.

Lahad niya, “Nakakapaglaro naman ako noong araw, kaya lang, ang laro ko, pitpitan ng trumpo.

"Para kasi akong lalaki noong araw dahil sa nakagisnan kong ako yung nagtatrabaho sa magkakapatid, nag-iigib ng mabibigat, nagbebenta ng tubig sa tren.

"Siguro dahil doon kaya para akong naging lalaki."

Patuloy ng Superstar, "Ang nagpatatag sa akin, yung kahirapan po namin, dahil sa magkakapatid, ako lang ang talagang nagkaroon ng isip o plano na kailangan kong maiangat yung pamilya ko sa kahirapan."

NATIONAL ARTIST. Tulad ng dati, muling umiral ang humility ni Nora nang sagutin ang tanong tungkol sa isinusulong ng mga tagahanga at supporters niya na igawad na sa Superstar ang National Artist award, na tila ipinagkait sa kanya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Buong pagpapakumbabang sinabi ni Nora na ni minsan, hindi niya inisip na maging National Artist.

Saad niya, "Noong una pa, nung iba pa yung president natin, ni minsan yung pagiging National Artist, hindi ko talaga inisip 'yan, e.

“Kasi ang sa akin, kung para sa 'yo ang isang bagay at talagang iniloob ng Diyos, talagang ibibigay sa 'yo, kahit anong mangyari.

“So, hindi niloob noong mga nakaraang taon, so hindi pa rin tayo sigurado kung ibibigay sa atin, walang kasiguraduhan.

"At sa palagay ko naman, may mga iba pang mga artista na kinakailangan, yung mga nauna sa akin, na siguro mas karapat-dapat na bigyan ng pagiging National Artist na hindi lang natin nakikita yung kanilang ginawa na kontribusyon."

BACK TO KAPUSO. Samantala, maligaya raw si Nora sa pagiging Kapuso niya.

“Ang puso ko talagang nasa GMA.” Congratulations, Ms. Nora Aunor! ????

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl) on

“Napakasaya ko dahil binigyan ako ng pagkakataon ng Channel 7 na magkaroon ako ng bagong show.

“Masaya kami sa set, para kaming magkakapatid.

"Talagang pamilya po kami, nagtutulungan at yung mga ginagawa namin,isinasapuso namin lahat," ang sabi ni Nora.

Nag-taping na siya na para sa kanyang bagong programa sa Kapuso Network, pero clueless pa siya sa magiging final title ng prime time teleserye na ipapalit sa Kambal, Karibal na extended uli for the nth time dahil sa mataas na rating.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN