Juancho Trivino on 'dirty finger' issue with Alden Richards: "Everything is settled."

IMAGE Noel Orsal

Nagkausap na raw nang personal sina Juancho Trivino (kaliwa) at Alden Richards (kanan) at naplantsa na ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa matapos mag viral sa social media ang "dirty finger" vido ng una sa poster ng huli.


Naplantsa na ang gusot sa pagitan nina Juancho Trivino at Alden Richards.

Ayon kay Juancho, “Nagkausap na kami.

"Actually, the day after that issue, nagkita kami sa GMA and we talked.

“And everything is settled.”

Naging malaking isyu sa social media noong Marso ang pagdi-dirty finger diumano ni Juancho sa poster ni Alden sa isang tindahan ng relo.

Kaagad namang humingi ng dispensa si Juancho sa pamamagitan ng isang statement na inilabas niya sa social media tungkol sa “bad joke” niya.

Nagalit kasi ang maraming fans ni Alden dahil sa pambabastos daw ni Juancho sa kanilang idolo.


Stories We Are Tracking

Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
Did Juancho Trivino flash dirty finger at Alden Richards?
Alden reacts to Juancho's
Alden reacts to Juancho's "dirty finger" video

Personal na rin daw nag-sorry si Juancho kay Alden noong March 20, noong nagkausap sila sa loob ng GMA Network. 

“Yeah, yeah [I apologized], sa social media din,” sambit niya.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Juancho sa grand press conference ng Inday Will Always Love You ngayong Biyernes, May 11, sa GMA Network Center.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Isa sa mga bida ng teleserye si Juancho na magsisimula sa May 21.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN