Judy Ann Santos responds to netizen who bashed her no-makeup-bagong-gising look

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Judy Ann Santos calmly answers a netizen who told her she's "not a star" when she doesn't wear makeup.


Hindi pa rin tinantanan ng isang basher si Judy Ann Santos kahit nagdiriwang siya ng kanyang 40th birthday ngayong araw, May 11.

Nagsimula ito nang mag-post sa Instagram ang Kapamilya actress-TV host ng kanyang larawan na may hawak ng tasa ng taho.

Kapansin-pansing walang makeup si Judy Ann sa larawan niyang ito.

Nagkomento rito ang isang netizen at sinabihan si Judy Ann ng: "You know you are not a star when you have no make up."

Sabi pa ng basher, “Go [to] the BATHROOM fix yourself.”

Magalang naman itong sinagot ito ng aktres.

Sabi ni Judy Ann, "Sorry naman... but i dont wear make up when im not working, more so pag asa bahay lang ako at bagong gising."


Kinampihan naman si Judy Ann ng netizens na nagkomento.

Hindi raw nasusukat sa makeup ang ganda ng isang tao kundi sa pagiging magandang ehemplo sa mga kababaihan.



Inulan din ng batikos ang basher.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN