Teen actor Andrew Muhlach mourns death of dad Cheng Muhlach

IMAGE @andrewmuhlach on Instagram

Teen actor Andrew Muhlach mourns the passing of his father, Alvaro "Cheng" Muhlach.


Labis na ikinalungkot ng teen actor na si Andrew Muhlach ang pagpanaw ng kanyang amang si Alvaro "Cheng" Muhlach.

Sa isang Instagram post ngayong hapon, May 12, nagbigay ng maikling mensahe si Andrew para sa kanyang namayapang ama.

Sabi ng nakababatang kapatid ni Aga Muhlach sa kanyang post, "I love you so much Papa. Wag ka mag sawa na i guide ako ha? Parati naman ako nakikinig sayo. Mamimiss kita papa."

Sinamahan ito ni Andrew ng ilang litrato nilang mag-ama.

Sumakabilang-buhay si Cheng sa edad na 74 kaninang madaling-araw habang natutulog sa kanyang hospital room sa St. Luke's Medical Center.

Isinugod siya sa ospital kahapon, May 11, matapos niyang makaranas ng cardiac arrest.


Stories We Are Tracking

Cheng Muhlach, father of Aga Muhlach, dies at 74
Cheng Muhlach, father of Aga Muhlach, dies at 74


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN