Young JV admits real score with Miho Nishida, but clarifies: "Ayoko pong manggaling sa akin."

IMAGE Instagram photo of Miho Nishida

Rapper-actor Young JV on real score with Miho Nishida: "We don't wanna give labels yet siguro dahil nga I respect yung sa kanya, sa side niya. So, I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita."


Kahit na patuloy ang pagiging close nina Young JV at Miho Nishida, ayaw daw nilang bigyan ng label ang kanilang relasyon.

Apat na buwan na raw silang exclusively dating ni Miho, at sa set ng La Luna Sangre daw sila naging close.

Pero sila na nga ba?

Saad niya, “Yeah, I guess we can say that because we’re exclusively dating.

“Ayoko pong manggaling sa akin, pero we both agreed upon that.”

Ang gusto nga niyang iregalo kay Miho ngayong Mother’s Day ay makapagbiyahe sila patungong Japan.

Panalangin niya, “Hopefully, magawa po namin.”

NO-LABEL RELATIONSHIP. Hindi raw love on the rebound ang nangyari sa kanila ni Miho.

“Ang dami nga pong nagsasabi na rebound, kasi siyempre she came from something din, ako din po.

“More on ano po siya e, nagkasama po kami parati, and then naging effortless na yung pagsasama namin.

“Kaya ayaw naming i-brag, kasi parang ang light lang namin.

“So gusto naming iparating sa lahat, sa mga fans, we are supporting each other all the way.

“Wala pang label because I respect her, her decision as a young mom.

“Basta kung anuman yun, nandito lang ako,” diin niya.

Bakit ayaw niyang bigyan ng label ang namamagitan sa kanila ni Miho?

Paglinaw niya, “We don’t wanna give labels yet siguro dahil nga I respect yung sa kanya, sa side niya.

“Maybe because she’s busy with everything, ayokong i-rush yung things, ayaw muna naming sabihing, ‘O, tayo na!’

“So, I guess sa akin lang, gusto ko na siya muna ang magsalita.”

NOT AFFECTED BY BASHING FROM TOMIHO FANS. May mga bashers daw sila na ToMiho fans pero okay lang daw iyon kay Young JV.

Ito ang mga dating supporters ng love team ni Miho sa kanyang dating kasintahan na si Tommy Esguerra, na dati niyang co-housemate sa Pinoy Big Brother 737 edition.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging sikat dati ang reel- and real-life tandem nina Miho at Tommy dati na nauwi rin sa hiwalayan.

Dagdag niya, “May mga fans din, siyempre hindi naman po natin maiiwasan.

“Wala naman po akong issue sa kanila kaya happy lang ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Young JV sa launching niya bilang bagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products nitong nakaraang May 9, na ginanap sa Oriental Palace restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

CLOSE TO MIHO'S DAUGHTER. Close raw si Young JV sa anak ni Miho na si Aimi.

“Very good, effortless,” ang description niya sa relationship niya sa bata.

Mahal raw niya ang anak ni Miho na tinawag niyang “cute at smart” na bata.

Tito JV, at minsan ay Papa JV, ang tawag sa kanya nito.

Nahingan naman ng reaksyon si Young JV tungkol sa pagbabago ng hitsura ni Miho via beauty enhancement.

Lahad niya, “I was there for her, sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, kung saan ka masaya, gawin mo.'

“'Huwag mong isipin ang sasabihin ng mga tao, kung saan ka masaya, I will always be supportive of you.’

“Okay naman po ako dun.”

Okay na rin daw si Miho sa transformation niya.

“Okay na siya dun, sabi ko sa kanya, ‘Okay na 'yan, ha?’”at natawa si Young JV.

Tanggap na tanggap daw ng mga magulang ni Young JV si Miho.

Nag-click daw agad ang mga ito noong nagkakilala sila for the first time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN