Jessy Mendiola on nailing her sexier vibe: "Wala, siguro mas naging kalma na ako ngayon."

IMAGE Jessy Mendiola Instagram

Jessy Mendiola says that her inner peace and confidence has helped her lose weight and feel better about herself: "Wala, siguro mas naging kalma na ako ngayon. Kasi dati, di ba, pag pine-pressure kang magpa-sexy, lalo kang nai-stress, lalo kang kakain."


Tawag-pansin sa social media ang mga sexy photos ni Jessy Mendiola sa tuwing magbi-beach sila ng boyfriend niyang si Luis Manzano.

Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ng aktres, at dahil dito'y lalo pang naging mas obvious ang kaseksihan ni Jessy.

Para nga sa iba, ngayon daw ay mas higit na karapat-dapat na tanghaling FHM Philippines Sexiest Woman si Jessy at tiyak na walang tututol di tulad noong nangyari last 2016.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Jessy noong nakaraang Linggo, May 6, sa set ng ASAP, inamin niyang pumayat siya noong matuto siyang maging kalmado at hindi magpa-pressure sa sinasabi ng ibang tao.

Lahad niya, “Wala, siguro mas naging kalma na ako ngayon.

“Kasi dati, di ba, pag pine-pressure kang magpa-sexy, lalo kang nai-stress, lalo kang kakain.

“Ngayon, nung parang nag-hiatus ako ng mga two years, parang nakuha ko na yung tamang rhythm ko, ngayon mas kumportable na ako.

“Photoshop daw? Oo, pero di naman kasi mawawala yun. Mga mga tao na ganun lang talaga.”

MORE CONFIDENT. Kapansin-pansin din na nabawasan na rin ang mga namba-bash kay Jessy at Luis, di katulad noon na isa sila sa paboritong biktima ng mga netiznes.

Sabi niya, “Happy din naman kasi marami din naman ang nagtatanggol sa akin, marami ang nagdi-DM [direct messaging] sa akin sa Instagram na parang, 'I’m so happy na bumabalik ka ngayon.'

“Sinasabi nila na parang nagsu-sorry sila.

“Actually, nag-a-apologize sila sa akin for what they said before.

“Parang nagbago na raw ang paningin nila sa akin ngayon.

“Saka siguro dati rin kasi, medyo di rin ako kumportable sa sarili ko.

“Yung time na you fake confidence para lang magmukha kang feisty, pero ang totoo nun, takot akong magsalita, kinakabahan ako.

“Ngayon, siguro mas kilala ko na ang sarili ko, kaya mas napapakita ko na sa mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH COCO. Napapanood ngayon si Jessy sa seryeng Ang Probinsyano kunsaan gumaganap siya bilang si Andy, na love interest ni Coco Martin sa istorya ngayon.

Ito na pala ang pangalawang pagkakataon na nagkatrabaho ang dalawa.

“Masaya, sobrang saya kasi yun nga, nakakausap ko sila Coco, sila Sir Deo [Endrinal]...

“Natutuwa sila kasi maganda yung feedback ng mga tao.

“Nakakatuwa nga, kasi sobrang tagal ko nang di nag-TV, 'tapos parang nanibago ako.

“Maganda naman, kasi alam nilang naninibago ako so inuunti-unti nila, parang pinare-relax muna nila ako.

“Tinutulungan naman nila ako.

“No, actually nung nagsisimula pa si Coco, nakatrabaho ko na siya sa Kung Tayo’y Magkakalayo.

“Dun kami unang nagka-loveteam.

“'Tapos, first ko rin na TV apperance yun.

“Nakakatuwa, kasi ngayon magkatrabaho uli kami.

“Di pa rin siya nagbabago.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN