Young JV moves on from past sex video scandal: "Lahat po tayo puwedeng bumangon sa mistakes."

IMAGE Young JV Instagram

Rapper-actor Young JV has learned his lesson and moved on from his past sex video scandal: "If I deny it more, mas pangit para sa akin. So, sinabi ko na lang I own up to it po. Everyone makes mistakes, lahat po tayo puwedeng bumangon sa mistakes."


Natanong ang rapper-actor na si Young JV kung hindi ba mahirap para sa kanya na mag-endorso ng mga produktong pampamilya gayong nasangkot siya sa isang sex video scandal dati?

Read: Young JV unscathed after alleged nude photo scandal: “Hindi naman apektado...”

Sagot niya, “Well, malaking challenge po talaga sa akin yun.

“The past will be past.

“Everybody commits mistakes sa ginagawa nila kaya malaki po yung pagpapasalamat ko because nakikita po nila yung capabilities ko po bilang artista and performer na mabibigay ko.”

Magsisimula na siyang mag-ikot sa iba’t ibang lugar para sa promo ng kanyang bagong produktong ini-endorse.

Hindi ba siya kabado dahil nga nagkaroon siya ng scandal?

“Actually, itong presscon na ito kinakabahan ako sa inyo, hindi ko po alam kung ano ang mangyayari,” at tumawa si JV habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch niya bagong bagong brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products noong nakaraang May 8 sa Oriental Palace restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

LESSON LEARNED. Sa tanong kung naipabura ba niya ang mga kumalat niyang sex video, sabi niya, “Hindi ko makontrol, e!

“Kahit gusto nating mangyari yun [na mabura], it’s all over the place.

“Parang sabi ko, ‘Bahala na kayo diyan, ako move on na lang!’”

Paano niya na-handle ang sitwasyon na iyon?

“Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko iha-handle iyon.

“Parang alam mo yung gusto kong maglagay ng paper bag sa ulo ko!

“Pero sabi ko, you know, may mistakes talaga na ako I can’t deny.

“If I deny it more, mas pangit para sa akin.

“So sinabi ko na lang I own up to it po.

"Everyone makes mistakes, lahat po tayo puwedeng bumangon sa mistakes.”

Hindi raw nila kilala kung sino ang nagkalat ng sex video ni Young JV.

“Pero pag nahanap ko po sasabihin ko, ‘Salamat!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang maipapayo niya sa ibang mga male celebrities na may sex scandal ring tulad niya?

Aniya, “Guys, just be careful!

“Be responsible.”

COMPLIMENTS. Ang ibang mga male celebrities na may scandal ay dumami ang indecent proposals mula sa mga gays; si Young JV kaya?

“Oh my Lord!

“To be honest, wala akong indecent proposals ha, for some reason.

“Compliments, ang dami.”

Ano ang sinasabi sa kanya ng mga nagku-compliment na ito sa nakapanood ng video niya?

“Hey, ano ha, ang ano ha? Parang ganun.”

Ano ang most flattering na narinig niyang komento?

“Hahaha! Sabi nila, 'Ano ha... magaling, magaling!'”

Mas maingat na raw siya ngayon at sigurado raw siya na iyon na yun at wala ng lalabas pang malaswang video niya.

Matagal na rin naman daw iyon at hindi na siya nakikipag-chat nang ganoon.

“Typical young person,” sagot ni Young JV kung bakit nagawa niya ang video na iyon.

Sinabihan din daw siya ng mga magulang niya na maging mas maingat at responsable sa bawat gagawin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN