Regine Tolentino gets annulment papers next month

IMAGE Arniel Serato

Regine Tolentino says she feels happier and more blessed despite being single: "Like I said, I feel happier now because kung ano ang ginagawa ko, yun pa rin naman ang dati. I never really had that support, like moral support or financial support. Mas okay lang lahat ngayon kasi nga, wala nang pabigat, wala nang negative. So, I'm happiest."


Bilang isang ina, tahasang sinasabi ng Dance Diva na si Regine Tolentino na mas masaya at mas at peace siya ngayong kasama niya ang dalawang anak na sina Reigne at Reigen.

Apat na taon na rin silang hiwalay at walang naging anumang komunikasyon sa dating asawa niyang si Lander Vera-Perez.

At sa June 3 nga ay opisyal na maa-annul na raw ang kasal nila.

Kumusta nga ba si Regine bilang isang single parent?

Lahad niya, “Like I said, I feel happier now because kung ano ang ginagawa ko, yun pa rin naman ang dati.

“I never really had that support, like moral support or financial support.

“Mas okay lang lahat ngayon kasi nga, wala nang pabigat, wala nang negative. So, I’m happiest.

“But in terms of romantic feels, siyempre lahat ng tao, gusto na may ka-holding-hands, may kayakap, mag-post ng selfie with the jowa, stuff like that.”

Pag-amin din niya, “I got jealous, I have to admit.

“Even my kids, may mga nanliligaw sa kanila.

“When is my Prince Charming coming?

“But I’m busy, hindi ko masyadong napapansin.

“I can’t help but long for that because I want to start over again and I want to find the right person and get married.

“I’m still old-fashioned, you know?”

STILL BELIEVES IN MARRIAGE. Naniniwala pa rin siya sa kasal?

Diin niya, “Oh yes, naniniwala pa rin talaga 'ko sa kasal.

“Call me old-fashioned but somehow, I’m longing for that.

“But if it’s not in the stars for me, okey lang naman din.

“Masaya rin naman ako. My children are there.”

Ngayong malapit na siyang maging opisyal na single muli, handa na ba ang puso niyang magmahal muli?

“Oh my gosh, open na talaga!” natawang sabi niya.

TRAITS OF FUTURE PARTNER. Pagkatapos nga ng 18 taong pagsasama nila ni Lander na nauwi rin sa annulment, may mga partikular na katangian bang hinahahap si Regine sa isang future partner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Ang hanap ko ngayon parang si J-Lo.

“Di ba, ang boyfriend niya ngayon is A. Rod [Alex Rodriguez]?”

Bagets din ang gusto niya?

“Ay, hindi naman,” natawang sabi ni Regine.

“Si A. Rod naman is an established businessman, very confident and fit.

“Something like that.

“Kung mas younger, I don’t know, maybe not.”

Gugustuhin ba niya kung yung magiging partner naman niya ang magpa-pamper at susuporta sa kanya?

“How I wish!” natawang sabi niya.

“May ganun pa ba? How I wish.

“Who knows, I’m not closing my door but at the same time, hindi rin naman ako masyadong choosy.”

Dugtong pa niya, “So far, my world is still showbiz pero ayoko na talaga sa showbiz.”

ZERO COMMUNICATION WITH LANDER. Sa loob ng apat na taon, mag-isa lang nga raw na pinalalaki ni Regine ang dalawang anak.

Pakli niya, “The children are with me, I support them 100%.

Simula noong maghiwalay sila ni Lander, hindi na raw ito nagpakita sa kanila o kahit sa dalawang anak nila.

Ironically, ang tahanan ng mga Vera-Perez, ang mga in-laws ni Regine, ay malapit lang halos sa Regine’s Boutique.

Natatawang sabi nga niya, “My boutique is like fifty walking steps from their house.

“I’m sure they pass by my house everyday.”

Kahit sa dalawang anak nila, hindi rin ba nagri-reach-out, maging pamilya ni Lander?

“Wala e, wala,” lahad niya.

REALITY CHECK. Aminado naman si Regine na naging daan din ito para mas maging matatag daw siya bilang isang ina.

“Yes, it made me stronger and naging reality check lahat ‘to.

“When you get caught up with work and all these schedules na dire-diretso, yung momentum na yun, parang wala ka nang... 'Wait, sino ako? Ano ba ang gusto ko talaga?'

“'What’s my purpose? Where do I want to go? What are your goals and dreams?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nag-reality check ako nang bonggang-bongga and I realized, there’s so much more to life than this.”

MOTHER'S DAY PLANS. Ngayong Mother’s Day, magse-celebrate raw talaga siya.

Deklara ni Regine, “I will celebrate Mother’s Day with my mother and my daughters and my sister.

“We’ll just have a family day together and just eat.

“I’ve been dieting a lot for this concert so that’s going to be my cheat day for sure.”

Dugtong pa niya, “Magbu-buffet kami.

“Magkakaroon kami ng trip, dun ko ise-celebrate lahat.

“First week of June, we’re going to Korea.”

POSITIVE OUTLOOK. Ang maganda kay Regine, naging positibo lang siya sa kabila ng pinagdaanan. Ipinokus niyang talaga ang sarili sa trabaho at sa dalawang anak.

Sabi nga niya, “I’m 39 years old pero ngayon ko napi-feel na I’m at my strongest, I feel my sexiest now.

“You know, kahit dati, nakapag-FHM cover na 'ko, twice.

“Nakapag-pictorial na 'ko before, sexy movie pero parang ngayon ko lang napi-feel na I’m more confident, sensual and sexy now.

“I love fashion, looking good and posing.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN