Sharon Cuneta admits she sometimes feel more loved by non-relatives

IMAGE Instagram (Sharon Cuneta and Juan Sarte)

Megastar Sharon Cuneta is overwhelmed by the Mother's Day greeting from Joshua Garcia and Julia Barretto, whom she says own her heart.


Nag-post ng mensahe si Sharon Cuneta sa social media para ipahayag na sobra siyang na-touch kina Julia Barretto at Joshua Garcia nang batiin nila ang Megastar nitong Mother’s Day, May 13.

Nakatrabaho ni Sharon ang JoshLia, kasama si Robin Padilla, sa pelikulang Unexpectedly Yours noong 2017.

Sa lahat daw ng kanyang mga nakatrabaho, ang JoshLia—tawag sa love team nina Joshua at Julia—“are the ones who own my heart.”

“Thank you to my ‘babies,’ Julia and Joshua, for their sweet messages to me on Mother’s Day,” simula ng mensahe ng 52-anyos na singer-actress sa Instagram nitong Martes, May 15.

Dagdag pa niya, “I have loved many co-actors like my own kids, but these two by far, I have to say are the ones who own my heart.

“I miss you, my anaks.

“I love you so much and will always be here for each of you for anything.

“Thank you so much for loving me,” bahagi ng caption.

Naging makahulugan ang isang bahagi ng caption ng Megastar nang ihayag niyang mas nararamdaman pa niya ang pagmamahal mula sa mga taong hindi niya kadugo.

“Sometimes I feel more loved and appreciated by those who aren’t even related to me than I do those who are blood,” sabi ni Sharon.

Mensahe pa niya sa Joshlia, “Remember that Mama thinks of you everyday.

“I thank God that I got to meet and know you two because you’ve given me nothing but love and happiness.

“Treasure each other.

“In the end, nothing else matters.

“God bless you.

“I really miss you.”

NETIZENS REACT. Samantala, nag-react naman ang ilang netizens sa post na ito ni Sharon, partikular na sa pahayag nitong mas nakakaramdam pa siya ng pagmamahal mula sa hindi niya kadugo.

Reaksiyon ng iba, tila may pinatatamaan daw si Sharon dahil sa pagkukumpara nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW




KIDS GREET SHARON. Samantala, nitong Mother’s Day ay binati rin si Sharon ng kanyang mga anak na sina KC Concepcion, Frankie, Miel, at Miguel Pangilinan.

Ipinost pa ng Mesgastar ang mga sulat na galing kina Frankie, Miel, at Miguel.

Ipinost din ni Sharon ang Mother’s Day greeting sa kanya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.

Ang panganay niyang si KC ay nag-post naman ng Mother’s Day greeting sa Instagram.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN