Sharon Cuneta offended by "power-tripping" of Gabby Concepcion's camp; says, "Hindi ko sila kailangan."

IMAGE Instagram

Sharon Cuneta on her official resignation from supposed movie reunion with Gabby Concepcion: "They can lie and make up all the stories they want. But I was willing to do it and swallow what was left of my pride for KC. My life's work and name will never mean more to me than KC. But I can't do the movie when my schedule and professionalism are constantly toyed with."


Inihayag ni Sharon Cuneta, 52, ang pagkadismaya sa diumano’y "power-tripping" ng kampo ng dating mister niyang si Gabby Concepcion, 53.

Kaugnay ito ng on-and-off negotiations sa pagbabalik-tambalan nila sa pelikula, na tuluyang tinuldukan umano ni Sharon.

Linggo ng umaga, May 14, nang eksklusibong naiulat sa PEP Troika ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pahayag ni Sharon na “officially resigned” na siya sa pelikula nila ni Gabby. 

Ito ay matapos muli na namang naunsiyami ang nakatakda sanang story conference nila noong nakaraang linggo dahil diumano sa kagagawan ng kampo ng dati niyang mister.

READ: Sharon Cuneta, ayaw nang ituloy ang movie project nila ni Gabby Concepcion

Ilang oras matapos lumabas ang ulat sa PEP.ph, naglabas ng sama ng loob si Sharon sa diumano’y paglalaro sa kanyang “schedule” at “professionalism.”

Ito ay sa kabila umano ng pagpayag niya sa lahat ng "demands" ni Gabby matuloy lang ang pelikula, na tinagurian daw ng aktor na “legacy” para sa kanilang anak na si KC Concepcion.

Base sa pakikipag-usap niya sa kanyang fans sa Instagram account na @thesharongeneration, pahayag ni Sharon:

“Just for the record, I agreed to his requested billing.

“I really didn’t care. What I cared about was that this, what he called our ‘legacy’ to KC, would be done. FOR HER.

“Wala sa akin ang problema.

“They can lie and make up all the stories they want. But I was willing to do it and swallow what was left of my pride for KC.

“My life’s work and name will never mean more to me than KC. But i can’t do the movie when my schedule and professionalism are constantly toyed with.”

Taliwas umano ang "power-tripping" ng kampo ni Gabby sa sinasabi ng aktor na nais nitong mag-iwan ng "legacy" sa anak nilang si KC.

Nagpahaging din si Sharon na iba ang pinapalabas ng kampo ni Gabby sa isyu kung bakit hindi matuluy-tuloy ang kanilang pagbabalik-tambalan sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Sharon, “Tapos iba ang mababasa mo. Nakakapagod.

“So never mind what ‘legacy’ was supposed to be for KC.

“I said yes to all demands na. Pero sobra naman ang power-tripping ng mga tao.

“Not worth it. Ilang beses na ako naoffend. Why naman will I allow it?"

Dagdag ni Sharon, kaya niyang magbigay ng sariling "legacy" kay KC na simula't sapul ay nasa poder niya.

“And since KC was 2 ako lang naman lahat... so she will surely have MY legacy.

“I hope he gives her something, anything for once in her life. The end.”


"OFFICIAL RESIGNATION." Kinumpirma ni Sharon ang ulat ng PEP Troika na tinutuldukan na niya ang pakikipag-negosasyon sa pelikula nila ni Gabby.

Totoong ipinaabot daw niya ang kanyang "official resignation" sa kanyang Star Cinema bosses na sina Olive Lamasan at Malou Santos.

"This was supposed to be confidential... but it's true naman.

"I cannot speak for my bosses Olive Lamasan and Malou Santos though. Am a bit upset that this was written about.

"Some words here were what I sent in a text as my 'official' resignation."


"HINDI KO SILA KAILANGAN." Sa huli, nanindigan si Sharon na wala siyang planong “maghabol” sa naunsiyaming balik-tambalan nila ni Gabby.

Lalo na't hindi raw niya kawalan ang makatambal ang dating asawa sa pelikula.

Patutsada ni Sharon, "Basta ako I can say 'As God is my Witness' without being afraid that God will surely punish me, kasi I’m not a liar, and I am certainly afraid of using God’s Name to validate a 'lie!'

"Yaan na natin. 2 decades tayo nabless ng husto nang wala sila, isipin ba ng mga feeling na ako pa maghahabol ngayon?!!!!! WHY?!!!

"My gulay ilang beses na nalampaso ng ibang movies ko ang records ng team-up na yan sa box-office.

"HINDI KO SILA KAILANGAN. malinaw na malinaw?!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHORT-LIVED TRUCE? Noong Pebrero muling nabuksan ang pag-uusap ng kampo nina Sharon at Gabby hinggil sa balik-tambalan nila sa pelikula.

Kasunod ito ng matagampay na TV commercial ng dalawa para sa isang fast food chain.


Stories We Are Tracking

The most kilig reactions to Sharon-Gabby reunion
The most kilig reactions to Sharon-Gabby reunion
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon Cuneta happy to reconnect with Gabby Concepcion
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby
Sharon tells all about marriage and breakup with Gabby

Naging hudyat din ito upang makapagpatawaran ang dating mag-asawa sa lahat ng sakit na dulot ng kanilang mapait na nakaraan.


Stories We Are Tracking

Gabby posts hashtag
Gabby posts hashtag "forgiveness" in photo with Sharon
Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby
Sharon Cuneta initially hesitant to do ad with Gabby

Ngunit muling nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa matapos umere ang TV interview ni Sharon sa Rated K noong March 4.

Dagdag pa rito ang mga problemang sinapit nila sa binubuo palang sana nilang pelikula.  

April 2 nang nag-unfollow sila sa isa't isa sa Instagram, wala pang dalawang buwan mula nang kinakiligan ng mga tagasuporta ng kanilang tambalan ang pag-follow nila sa isa't isa sa social media.


Stories We Are Tracking

Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon insists no bad intentions in TV interview about Gabby
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG
Sharon Cuneta, Gabby Concepcion unfollow each other on IG

Bukas ang PEP.ph sa kung anuman ang pahayag nina Sharon at Gabby hinggil sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN