Hashtags member Paulo Angeles opens up about struggle with depression

IMAGE Noel Orsal

Paulo Angeles admits he's still experiencing depression: "May mga times, katulad sa set na kapag inatake ako ng anxiety, mahirap mag-focus."


Aminado ang young actor na si Paulo Angeles na hanggang ngayon ay pinagdadaanan pa rin niya ang stage of depression.

Nararamdaman na raw niya ito bago pa man namatay ang kanyang kaibigan at kamiyembro sa Hashtags na si Franco Hernandez, na siyang nagga-guide daw sa kanya noon.

Nagkasunud-sunod ang problema niya noon, hanggang sa naramdaman daw niyang lumalala ang kanyang depresyon.

Pag-amin ni Paulo, “Sabihin na natin na yung problema, hindi ko natatapos, ‘tapos nagkasunud-sunod na.

“Marami ang nawala. Dumating ako sa part na na-feel ko na wala akong kasama, walang akong...

“Wala akong friends, kahit non-showbiz friends.

“So, yun, dun nagsimula."

Malaking bahagi raw sana sa kanyang kalagayan ang support system ng yumaong si Franco, pero hindi naman ito nangangahulugang wala na siyang iba pang inaasahan.

Yung tipong kapag inaatake siya ng anxiety, niyayaya siya noon ni Franco sa bahay nila para malibang siya at mabaling sa ibang bagay ang kanyang atensiyon.

Dahil sa kalagayang ito, nag-undergo raw si Paulo ng psychological session para makatulong din sa kanya.

Lahad ng 20-year-old actor-dancer, “Nag-undergo ako ng sessions, para...

“Ang hirap kasi ng pinagdadaanan ko, so parang...

“Hindi, hindi talaga madali, so nabibigatan ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa presscon ng pelikulang So Connected, sa 38 Valencia St., Quezon City, noong isang linggo.

Ang pelikulang ito ay ang unang pelikula na pinagtatambalan nina Janella Salvador at Jameson Blake para sa Regal Entertainment, Inc.

COPING WITH DEPRESSION. Kumusta naman siya ngayon? Paano siya nagku-cope sa kanyang sitwasyon?

Pahayag ni Paulo, “Yeah, fighting, lumalaban.

“Siyempre, hindi madali.

“Most of the time, may mga down moments, hindi talaga maiwasan.

“Pero I’m learning to accept things.

“Actually, hindi ko kayang i-handle mag-isa.

“Mabuti nandiyan si Mommy Kate [his handler].

“Nung time na wala na talagang akong makausap, si Mommy Kate ang nandun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Inayos niya ang lahat, ang sarili ko, gina-guide niya ako.

“Kahit 1 AM, kung kailangan kong may makausap, si Mommy Kate talaga ang nandiyan.

“Tina-try ko i-balance ang lahat.”

May kinalaman daw sa heartaches ang pinanggagalingan ng kanyang depression.

Saad ng Star Magic talent, “Sa heartaches din.

“Siyempre, kapag nasasaktan ang isang tao...

“Pero hindi naman purely sa ganun.

“Dumating kasi yung family problems na... basta, nagkapatung-patong lahat.

“Sa work, sa lahat.”

Naisipan din ba niyang wakasan ang kanyang buhay katulad ng ibang dumadaan sa depression?

Ayon kay Paulo, “Siguro yung ganung bagay ay private na.

“May mga times, katulad sa set na kapag inatake ako ng anxiety, mahirap mag-focus.

“Nahihirapan akong gumalaw, umarte, so yun po.”

Patuloy pa rin daw itong nilalaban ni Paulo, pero ang ipinagpapasalamat niyang wala pa siyang resetang gamot na kailangang inumin, na ang ibig sabihin ay hindi pa malala ang kanyang depression.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN