Jeyrick "Carrot Man" Sigmayton wants to try showbiz again; prefers ABS-CBN over GMA-7

IMAGE Jerry Olea

Jeyrick Sigmayton, who became famous as Carrot Man, is now taking acting workshop in hopes of joining showbiz.


Balik-Maynila si Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man noong Mayo 10, Huwebes.

Sumalang si Jeyrick sa unang acting workshop niya nitong Mayo 12, Sabado ng hapon, sa Rotary Club Center, Roces Avenue corner Mother Ignacia St., Quezon City.

Ang facilitator ng workshop ay ang scriptwriter, indie director, at occasional actor na si Jigz F. Recto.

Kumusta siya ngayon?

“Eto ho, okey naman po,” pakli ni Jeyrick sabay himas sa batok.

“Dito sa workshop, nag-start.”

Ano ang gusto niyang mangyari sa buhay niya ngayong lumuwas siya pa-Maynila?

"Try ko pong mag-workshop muna, 'tapos kung papayagan po, e, try ko na ring mag-artista kung sakali po," sagot ng 22-anyos na binata nang eksklusibong mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang workshop.

May kontrata ba siya sa GMA-7?

“Ahh, wala po,” pag-iling ng binata.

“Hindi pa po ako pumirma noon.”

Sakaling mag-showbiz na siya, ano ang gusto niyang gawin? Magdrama, kumanta-kanta, o ano?

“Kung kaya ko ho lahat, puwede ko pong pagsabayin sana...

"Kahit na type ko, e, magustuhan ko, hindi labag sa kalooban ko, yun ho sana ang gagawin ko.

“Maging aktor.... drama, aksyon, 'tapos singing po.”

Sa tingin niya, madali ba o mahirap itong papasukin niyang larangan?

“Sa ngayon po, masasabi kong mahirap... ang dami pa naming matututunan dito.

“Hindi pa namin alam yung susunod. First step pa lang kami, kaya nga...

"Pagkatapos nito, saka na lang ako magdedesisyon kung kaya ko ba or...

“Ilalaban ko ba o hindi na?”

If ever, saan niya gusto, sa ABS-CBN o sa GMA-7?

Matamis ang ngiti ni Jeyrick at walang pag-aalinlangan ang kanyang sagot: “Sa ABS po.”

LIFE IN BAGUIO. Ano ba ang ginagawa niya bago siya bumaba sa Maynila?

“Noong nakatira ako sa Baguio, may team akong band na kumakanta sa Baguio, na tumutulong sa mga dialysis, may sakit,” saad ni Jeyrick na pakumpas-kumpas ang mga kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun ho, tinutulungan ho namin sila. Nagpapa-concert po kami sa Baguio, or anywhere in Mountain Province.

“Ganun lang ho ang ginagawa namin para makatulong sa may sakit.”

Anu-ano ang kinakanta niya?

“Mga country song na na-translate sa ano... Igorot version, Kangkanaoy, Ibaloy o Ilocano. Mixed po.”

Ano ba ang pangarap niya?

Seryosong sagot ni Jeyrick, “Ang pangarap ko po ay makapag-ipon para makapagpaaral ng mga kapatid ko.”

Anim na kapatid ang nais pag-aralin ni Jeyrick.

Hindi naman nakaatang lang ito sa binata. Tulung-tulong silang pamilya. Pati mga tita niya ay tumutulong.

Ambassador pa ba siya ng Baguio City?

“Ay! Hindi po!” bulalas ni Jeyrick.

“Hindi po natuloy yung parang ambassador ng Baguio noon. Kasi... may misunderstood po before, e.

“Hindi po sila nagkaintindihan. Kaya ayun po...”

Nagkaproblema ba dahil sa lolo niya? Kumontra ito?

“Ay... hindi po. Wala lang ho talagang kumontak sa kanila. Ganun...

"Hindi ho natuloy yung ano... Kasi, wala hong communication.”

BACK TO SCHOOL. Graduate na ba siya sa pag-aaral?

“Ay! Hindi pa po,” mabilis na tugon ni Jeyrick.

“Nag-stop po ako ng first year high school. 'Tapos, yun po... tineyk ko yung DepEd na test, exam.

“'Tapos, hanggang ngayon po, hinihintay ko ang result nun.

"Hanggang ngayon, wala pang ano, e, inform sa amin kung papaano yung exam.

“Kasi, nung tineyk ko yun noon, saktong bumaba kami ng Maynila, kaya hindi ko naasikaso. Yun ho.

“Yung DepEd lang ang na-take ko noon.”

Magse-second year high school pa lang ba siya o balik sa freshman?

“Mag-first year high school po,” sambit ni Jeyrick.

“Kasi po, pag nakuha namin yung result ng exam namin sa DepEd, depende ho sa limit ng kung saan aabot yung alam ko dun.

“I-limit mo nga... hindi po namin alam, e...

"Kasi, puwede hong ano yun, e, step schooling. Pag mataas ang grade mo, ipapasok ka sa fourth year, o third year, ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan malalaman ang resulta ng naturang exam?

“Baka next month po, or... sabi nila, after six months,” sambit ni Jeyrick.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN