Jeric Gonzales says Kyline Alcantara is too young for him to court her

IMAGE Glenn Regondola

Jeric Gonzales says he's just friends with both Kyline Alcantara and Pauline Mendoza, his co-stars in the Kapuso prime-time series Kambal, Karibal.


Aminado si Jeric Gonzales na ang Kapuso newbie na si Kyline Alcantara ang gusto pa niyang makasama sa mga susunod niyang proyekto pagkatapos ng Kapuso prime time series na Kambal, Karibal.

Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis ang pagdududa sa kanya na mayroon siyang gusto kay Kyline, lalo na nang makita silang magkasama sila sa concert ng international singer na si Ed Sheeran.

Pahayag ng Kapuso young actor, “Well, ako talaga, from the start, sa lahat ng projects, si Kyline ang gusto [ko kasama].

“Yun nga lang, may mga shows siya na nagsu-solo siya, nagsu-solo rin ako, lalo na sa singing.

“So yun, pero as much as possible ay tina-try naming magsama kami.”

Ang opinyon ng iba, may kinalaman daw ang age gap nila kaya tila hindi niya talaga pinu-pursue si Kyline.

Si Kyline kasi ay 15 years old pa lamang, samantalang si Jeric ay 25 years old na.

Totoo ba ito?

Sagot ng aktor na nakangiti, “Hindi naman po, wala namang ganun.

“Basta masaya lang.

“Katulad ng sinabi ko, siya talaga ang gusto ko.

“Masaya lang, masaya.”

Pero nilinaw niyang wala naman siyang balak ligawan ang young actress, dahil bata pa nga raw ito.

Close lang daw talaga sila, at marami bagay kunsaan sila ay maituturing na compatible.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jeric sa isang show na ginanap sa Makati City noong nakaraang linggo.

ON PAULINE. Dito ay inusisa rin namin siya tungkol sa isa pang nali-link sa kanyang cast member din ng Kambal, Karibal—si Pauline Mendoza.

May mga nakakapansin nga raw sa ka-sweet-an niya rito lalo na during unguarded moments.

Si Pauline ay 18 years old na.

Hindi kaya dahil sa mas malapit si Pauline sa edad niya kaya dito nababaling ang kanyang atensiyon?

Sabi ng Kapuso actor-singer, “Nung una pa lang [ng Kambal, Karibal], kaming tatlo na ang close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hanggang ngayon ay close pa rin kami.

“Sa taping kasi, si Kyline ay wala minsan, kaya kami ni Pauline ang laging magkausap.

“Pero, kung sa love team talaga, si Kyline talaga ang gusto ko.

“Sa career lang muna ang focus ko ngayon, pero sa love team, masaya ako kahit hindi kami [ni Kyline ang magkapareha].

“Sa singing, sobrang nagkakasundo kami.”

Samantala natutuwa raw si Jeric sa magandang ratings ng Kambal, Karibal dahil muli itong na-extend, kahit alam niyang hindi na magtatagal ang character niya rito.

Sabi niya, “Sobrang saya at sobrang nakaka-proud, kasi hindi talaga namin alam na magiging ganun ang takbo ng show.

“Mataas nga ang ratings.

“Medyo nakakalungkot nga lang na nawawala na ang character ko, pero may kapalit naman na show.

“Yun ang sabi nila na pang-afternoon prime daw yun, pero di ko pa puwedeng sabihin.

“Sana nga, sana [matuloy].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN