Why Maricris Garcia turned down opportunity to audition for a gig abroad

IMAGE Noel Orsal

Maricris Garcia says she had to turn down a previous opportunity to work abroad. She said, "Naisip ko na agad what if matanggap ako, 'tapos ayaw ko rin umalis nga, so bakit pa ako mag-o-audition, in-explain ko na lang sa kanila. Although, habang ine-explain ko sa kanila, parang naiiyak din ako kasi sayang, di ba? Sayang, e, pero bilang kapag may asawa ka na iba na rin ang priorities." 


Pinatunayan ni Maricris Garcia na nag-iiba na ang priorities ng isang tao kapag ikinasal na.

Sa press conference na inihanda ng GMA Artist Center para sa kanilang music artists kahapon, May 15, nabanggit ni Maricris na nakatanggap din siya noon ng imbitasyon para mag-audition abroad katulad ng dati niyang kasamahan sa La Diva na si Aicelle Santos.

Ngunit dahil sa kanyang bagong estado sa buhay, agad daw naisip ni Maricris na huwag nang subukan ang pagtratrabaho sa ibang bansa.

“Outside of the country, medyo alanganin po ako dun, kasi bilang medyo bagong kasal lang.

“Siguro po mas gusto ko na dito na lang para rin makabuo ng family at magka-baby,” sabi ni Maricris, na mahigit isang taon nang kasal sa businessman na si TJ Cruz.

Patuloy pa niya, “Kapag sa ibang bansa, hindi ko na siya tinatanong tungkol dun.

“Like, yung kay Aicelle, nabigyan din ako ng invitation to audition.

“Naisip ko na agad what if matanggap ako, 'tapos ayaw ko rin umalis nga, so bakit pa ako mag-o-audition, in-explain ko na lang sa kanila.

“Although, habang ine-explain ko sa kanila, parang naiiyak din ako kasi sayang, di ba?

“Sayang, e, pero bilang kapag may asawa ka na iba na rin ang priorities.”

Nabanggit din niya na pagdating sa kanyang career, mas chill na raw siya ngayong nag-asawa na siya.

“Ngayong nag-asawa na ako, parang ayaw ko ng masyadong pressure, ayaw ko na ng stress.

“Parang mas ina-appreciate ko kung ano ang merong nandiyan in the littlest things,” nakangiting sabi ni Maricris.

HAVING A BABY. Dahil bagong kasal pa lang, wala pa naman daw pressure na magkaroon agad ng baby sina Maricris at asawa niyang si TJ.

“Since bagong kasal, ie-enjoy lang muna namin na kaming dalawa lang muna bago magka-baby.

“But we're open naman anytime,” sabi ng singer-actress.

Kung sakaling magkaroon agad sila ng baby, sabi ni Maricris, tiyak na pansamantala munang isasantabi niya ang kanyang music career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro sa first year, talagang tutok na lang muna.

“Pero anytime na ready na rin akong bumalik, babalik talaga.

“Okay naman siya, basta hindi mapapabayaan yung family, yung baby.

“At saka alam niya rin na gusto ko talaga yung kumakanta.”

Sa ngayon, bukod sa kanyang acting stint sa prime time series na The Cure, pagtutuunan din ng pansin ni Maricris ang paghahanda para sa kanyang 11th anniversary concert sa September.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN