New Tourism chief Berna Puyat to question Cesar Montano about P80M payment for Buhay Carinderia

IMAGE Facebook / Instagram

Newly-installed Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat wants to question Cesar Montano about paying P80M in full for tourism project Buhay Carinderia way ahead of its target completion date.


Inihayag ng bagong-talagang Department of Tourism secretary na si Bernadette Romulo-Puyat na plano niyang makipagpulong kay Cesar Montano tungkol sa proyekto nitong Buhay Carinderia, na naglalayong i-promote ang turismo sa bansa sa pamamagitan ng pagkaing Pinoy.

Si Cesar ang pinuno ng Tourism Promotions Board (TPB), habang si Puyat ang bagong DOT secretary na pumalit sa puwesto ng nagbitiw sa tungkuling si Wanda Tulfo-Teo.

Kaugnay ito ng panawagan ni Boo Chanco, columnist ng The Philippine Star, na tanggalin sa puwesto si Cesar dahil diumano sa maanomalyang pagbayad nito ng P80 million para sa Buhay Carinderia gayong hindi pa tapos ang proyekto.

Nanindigan si Chanco na mayroon siyang kopya ng tatlong tseke na dinisburse mula sa tanggapan ni Cesar mula March 19 hanggang April 17.

Sabi ni Chanco, “Three Landbank checks charged to the account of the TPB were issued as follows: March 19 for P13,440,172.80; March 20 for P31,360,000; April 17 for P35,840,000.”

Kinuwestiyon din ni Chanco kung bakit minadali ang pagbayad nang buo sa proyekto at kung dumaan ba ito sa public bidding.

Ayon sa ulat ng 24 Oras kagabi, May 15, nangako si Secretary Puyat na iimbestigahan niya ang diumano’y P80-million transaction ni Cesar para sa Buhay Carinderia.

“I've actually arranged for a meeting kay Mr. Cesar Montano to ask about yung mga nabasa ko tungkol sa Buhay Carinderia.

“Kung totoo ba na walang bidding at ano yung P80 million na... ang pagkabasa ko, P80 million na-advance,” pahayag ng DOT secretary.

Noong April 11 opisyal na inilunsad sa media ang Buhay Carinderia na dinaluhan ni Cesar bilang pinuno ng TPB, Linda Legaspi na nag-conceptualize ng Carinderia Fiesta, at Erwan Heussaff na itinalagang content creator ng Buhay Carinderia.  

Samantala, nais din umanong marinig ni Secretary Puyat ang panig ni Cesar tungkol sa alegasyong tumagal lamang ng dalawang minuto ang speech ng aktor sa isang official speaking engagement sa U.S.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balak ni Secretary Puyat na makipag-ugnayan sa Department of Foreign Affairs (DFA) representatives na posibleng dumalo sa event kung saan nagtalumpati si Cesar.

Ito ay sa kadahilanang may mga lumabas na ulat na minadali raw ni Cesar ang kanyang speech dahil manonood pa ito ng isang Broadway show.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN