Sharon Cuneta on relationship with KC Concepcion: "I somehow lost her somewhere years back."

IMAGE Noel Orsal / Chez Ganal

Megastar Sharon Cuneta on her relationship with her three kids with Sen. Kiko Pangilinan and with firstborn KC Concepcion: "I admittedly didn't have this kind of relationship na with KC after she turned 13..."


Inamin ni Sharon Cuneta na iba na ang relasyon niya sa panganay na anak na si KC Concepcion.

Ito ay dahil lumaki raw si KC na “medyo too independent.”

Ibinahagi ito ng Megastar sa isang Instagram post nitong Martes ng gabi, May 15.

Si KC, 33, ay anak ni Sharon sa dati niyang asawang si Gabby Concepcion.

Sa kanyang post, ibinahagi ng 52-year-old singer/actress/host ang relasyon niya sa kanyang mga anak kay Senator Kiko Pangilinan: sina Frankie, Miel, at Miguel.

Dito ay nabanggit din ni Sharon ang pagkakaiba ng relasyon niya kay KC, na ilang beses na ring napabalitang nakatampuhan niya.

STRAINED RELATIONSHIP WITH KC? Ayon kay Sharon, masaya siyang nakakasama ang mga anak na babae na sina Frankie at Miel.

Pero iba raw ang relasyon nila ni KC.

Pahayag ng Megastar, “I admittedly didn’t have this kind of relationship na with KC after she turned 13...

“She had the best of my youth though. And she was the best kid ever!

“I somehow just lost her somewhere years back... though I love her very much and will be here for her anytime.”

Gusto raw niyang lumaking independent ang panganay na anak, subalit tila nasobrahan naman.

“She’s a full-grown adult so I don’t expect that I’ll suddenly have such a big impact on her life now!

“I wanted her to grow up independent, but medyo too independent na siya which isn’t necessarily a bad thing.”

Makahulugan pang mensahe ni Sharon, “I just miss that I know I have FOUR kids and am able to share my life with only THREE.”

Pero pahabol niya, “No bad. All good naman.”

Sabi pa niya tungkol kina Frankie, Miel, at Miguel, “These 3 gremlins naman are my joy and ‘entertainment’ at home!

“I never like to leave the house when they are with me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I LOVE that we are stuck together like glue.”

 


Stories We Are Tracking

Netizens ask why Sharon did not post birthday message for KC
Netizens ask why Sharon did not post birthday message for KC


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN