Kapuso Solenn Heussaff amazed by Kapamilya Judy Ann Santos: "Nagulat lang ako. Ang galing niya."

IMAGE Instagram ( Juan Sarte) / Noel Orsal

Solenn Heussaff (right) recalls what it's like to be doing a scene with Judy Ann Santos (left): "Pag cut nagkukuwento siya sa food, 'tapos pag action ulit, umiiyak siya nang madami. Parang, 'Pano'ng… how do you do it?'"


Si Judy Ann Santos ang binanggit ni Solenn Heussaff nang matanong kung kaninong aktres siya nagagalingang umarte.

“Kasi nakatrabaho ko na siya,” paliwanag ng Filipino-French actress.

Nagkasama sina Judy Ann at Solenn sa T’yanak (2014), remake ng pelikulang pinagbidahan nina Janice de Belen at Lotlot de Leon noong 1988 na may parehong titulo.

Kuwento ni Solenn tungkol sa ABS-CBN actress, “Nagulat lang ako. Ang galing niya.

“Kaagad yung scene, pag cut, nagkukwento siya sa food.

“'Tapos pag action ulit, umiiyak siya nang madami.

“Parang, ‘Pano’ng… how do you do it? Di ko gets.’”

Papuri pa niya kay Judy Ann, “Super patient. If I need time, she’ll give it to me.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn sa thanksgiving party ng pelikulang My 2 Mommies ng Regal Films, Inc., Martes ng gabi, May 15.

Binanggit din ni Solenn ang ilan pang artistang kinabibiliban niya, kagaya ni Maricel Soriano.

“Si Maricel Soriano ang galing, especially sa comedy. Ang galing niya.”

Co-star ni Solenn ang Diamond Star sa My 2 Mommies.

Una silang nagkatrabaho sa 2011 movie Yesterday, Today, Tomorrow.

Bilib naman siya kay Paolo Ballesteros sa kanyang mga ad lib.

Magkasama sila ni Paolo sa My 2 Mommies.

Gusto ring leading man ni Solenn si Paulo Avelino na nakatrabaho niya sa 2013 movie Status: It’s Complicated.

SOLENN AS AN ACTRESS. Nang tanungin kung paano ire-rate ang sarili bilang aktres, natatawang tumanggi si Solenn.

“I still have a lot to learn,” sagot niya. "Feeling ko, hindi ako consistent.

"But siyempre, every time I do a movie, I’m into it.”

Kaya raw niyang gumawa ng romantic-comedy, at malaking hamon sa kanya ang drama movie.

Gayunpaman, handa raw siya kung sakaling magkaroon ng pagkakataon.

“I’m always up for challenge as long as I work with actors I trust and a director with patience.

“Alam ko kakayanin ko kasi I don’t wanna disappoint anyone.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa dramatic scenes, kailangan din daw ni Solenn na galingan pa ng kanyang pagta-Tagalog.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN