Marlo Mortel says no to offers of help that come with indecent proposals

IMAGE Marlo Mortel Instagram

Marlo Mortel on shouldering his mom's medical bills: "Nagso-sorry siya. Wala naman sa akin yun, basta gumaling lang siya. Ever since naman, kahit hindi pa siya na-diagnose, yung pera ko direct sa kanila ko ibinibigay. Everything, lahat ng suweldo, nakaipon sa bangko. Na-access nila."


Hindi itinanggi ni Marlo Mortel na nakakatanggap siya ng mga indecent proposal.

Pero hindi nagpapatangay sa tukso at tempting offers ang 25-year-old singer-actor dahil sa kanyang katuwirang may singing at acting talent siyang magagamit para kumita ng pera mula sa malinis at disenteng paraan.

Hindi inililihim ni Marlo na malaking struggle sa kanya ang araw-araw na paggising dahil bumabangon siya para sa kanyang ina, na may advanced stage ng breast cancer at nagkaroon ng open heart surgery noong nakaraang taon.

Every week, sumasailalim din sa chemotherapy treatment ang 49-year-old mother ni Marlo sa National Kidney and Transplant Institute. 

“Hindi siya bedridden, pero nag-drop na sa 40 kilos ang weight niya. Sobrang payat na niya,” kuwento ni Marlo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kundisyon ng kanyang ina.

Hindi raw maisip ni Marlo ang maaaring mangyari sa nanay niya.

“Ayokong isipin. Hindi ko kaya, umaasa pa rin ako na gagaling siya," sabi niya.

Lubos ang pasasalamat ng ina ni Marlo sa mga tulong na ibinibigay niya, pero nahihiya raw ito  dahil nauubos sa pagpapagamot ang mga perang kinikita ng nag-iisang anak.

“Nagso-sorry siya. Wala naman sa akin yun, basta gumaling lang siya.

"Ever since naman, kahit hindi pa siya na-diagnose, yung pera ko direct sa kanila ko ibinibigay.

"Everything, lahat ng suweldo, nakaipon sa bangko. Na-access nila," pahayag ni Marlo.


Stories We Are Tracking

Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle
Marlo Mortel opens up about mom's courageous cancer battle

"I PRAY." Nakasulat si Marlo ng kanta na may pamagat na "I Pray," na dedicated niya sa kanyang minamahal na ina.

Kumusta na ang kundisyon ng kanyang ina?

Sagot ni Marlo, "Hindi good ang condition niya. Nag-spread pa lalo [ang kanser] sa breast.

"Bumalik last year, may tumubong bigla behind the heart.

"Biglang lumobo ang mukha niya, out of nowhere, kasi yun pala, naipit ang mga ugat sa loob.

“Yun pala ang puwede niyang ikamatay, heart attack.

"Ang nangyari, in-open heart surgery, tinanggal, pero may mga naiwan, 'tapos mas lumala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na siya puwedeng operahan, pinapaliit through chemo."

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaraanan, hindi nawawala ang malaking tiwala ni Marlo sa Diyos na sandalan niya sa mga panahon ng kalungkutan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN