Gladys Reyes explains absence from best friend Judy Ann Santos's 40th birthday surprise

IMAGE Noel Orsal

Maganda ang relasyon ni Gladys Reyes sa lahat ng istasyon kaya naman daw nakapagtatrabaho siya sa iba't ibang networks sa ngayon. 


Hindi nakasipot si Gladys Reyes sa 40th birthday asalto ni Judy Ann Santos noong nakaraang Huwebes, May 10.

Nagkataon kasing noong araw ring iyon ang first birthday ng bunso nilang anak ni Christopher Roxas na si Gavin Cale.

Lahad ni Gladys, “I was invited, kaso it’s my son Gavin's first birthday and almost ten o’clock na ako natapos.

“E, alangan namang ako pa ang late sa surprise, di ba?

“Baka naman siya pa ang ma-surprise na, ‘Ay, late ka.’

“Siyempre, bilang alam mo na na medyo nagkaka-age kami, kaya noong una, iniisip ko talaga, 'Ano ba feeling nung 40?'

“Di ko na iniiisip parang after nun, after 25, nag-stop na din.”

Itinuturing niyang isa sa pinakamatalik na kaibigan sa loob at labas ng showbiz si Judy Ann.

Una silang nagkasama sa telebisyon noon sa sikat na teleseryeng Mara Clara.

Kuwento niya, “Of course, Juday will always be one of my really good friends sa showbiz.

“Kahit hindi magkita nang matagal, kahit hindi kami mag-usap nang matagal, once na magkita, alam na parang kahapon lang kami nagkita, walang ilangan, wala akong parang hindi masasabi sa kanya.

“Isa sa mga genuine ‘ika nga na friends ko, hindi lamang kapag nagkikita kayo.

“I call her consistent friend, one of my consistent friends in the industry.

“Ang hirap makahanap niyan dito, ha, suwerte ko kasi nandiyan siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa grand presscon ng Inday Will Always Love You noong Biyernes, May 11.

Ang Inday Will Always Love You ang bagong prime time series ng GMA-7 na mapapanood na simula May 21.

KATRABAHO. Hindi natatali sa anumang network contract si Gladys sa ngayon.

Kung saan daw may trabahong ini-offer sa kanya, doon siya magtatrabaho.

Saad ni Gladys, “Healthy ang relationship ko sa mga network.

“Sa akin, naniniwala ako not to burn bridges kasi you’ll never know kung saan ka dadalhin ng pagkakataon, ‘ika nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwedeng at this point may magandang role sa 'yo dito.

“Baka naman sa susunod na pagkakataon, nasa kabilang bakod ka naman at doon kailangan ang serbisyo mo.”

Patuloy pa ng aktres, “Basta ako, tinatanong nga nila, ‘Ano ka ba talaga, Kapuso ka ba o Kapamilya, Kapatid?’

“Ako po ay Katrabaho. So, kung saan po may kailangan ang serbisyo ko at may trabaho.

“Siyempre, alam mo naman na apat ang mga anak ko.

“So, hindi tayo puwedeng mag-relax, relax.”


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN