Sharon Cuneta fires back at bashers and a person she did not name

IMAGE Noel Orsal

Megastar Sharon Cuneta on accusations against her:  "I do not deserve this. Enough is enough. God KNOWS THE TRUTH. DECLARE WAR WITH THAT."


Hindi nakapagpigil si Sharon Cuneta na buweltahan ang ilang bashers na pinaratangan siyang "masamang nanay" at kung ano-ano pang paninira.

Nagsimula ito nang mag-post si Sharon kahapon, May 16, ng throwback video ng kanyang concert, kung saan mapapanood din ang napakabata pa noong si KC Concepcion.

Si KC ang anak ni Sharon sa una niyang asawa na si Gabby Concepcion.

Sa comments section, may ilang bashers ang nagkomento ng kung anu-anong masasakit na salita laban sa Megastar.

Burado na ang mga komentong ito, subalit matutukoy kung ano ang pinanggagalingan ni Sharon base sa kanyang sariling komento at ng kanyang mga tagasuporta.

Base rin sa kanyang mga komento, may tinukoy ang 52-anyos na singer/actress/host na isang taong naging bahagi raw ng buhay niyang tila may galit sa kanya.

Hindi binanggit ni Sharon kung sino ito, pero binanggit ng ilang netizens ang pangalan ni Gabby, na siya diumanong pinatututsadahan ng aktres.

Malinaw rin ang mga clue na ibinigay ni Sharon kung sino ang kanyang tinutukoy, subalit aniya, “Wala akong sinabing pangalan. Guilty lang ang tamaan.”

Banat pa ng netizens, ang mga naninira kay Sharon ay mga tagasuporta umano ni Gabby.

“MASAMANG NANAY O BABAE.” Unang sinagot ni Sharon ang paratang na “napakasama” niya.

Buwelta niya, “Eh napakasama ko pala eh sino ang tanga? 1.) Bakit ako pinakasalan? 2.) Bakit ilang taon na kaming hiwalay binabalikan pa ako?” birada ng Megastar.

“Huwag tanga. Kunin muna ang facts. Hindi yung nakikigawa pa ng kasinungalingan makasira lang ng kapwa.”

Pinatunayan din ni Sharon na mali ang bashers sa paratang na masama siyang ina.

“Ayun – isang napakagandang dalaga na may degree mula sa Paris, intelehente at may class,” pagtukoy niya sa anak na si KC.

Makahulugan pang sabi niya, “Sana lang magpasalamat man lang sa akin kasi di ko siya sinira at di ko binrainwash ang anak ko na i-hate siya o di siya respetuhin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Himutok pa ni Sharon, hindi niya deserve ang masasamang paratang laban sa kanya, bagkus ay dapat pa siyang pasalamatan dahil sa magandang pagpapalaki niya kay KC.


“WALA AKONG GINAWA MASAMA.” Inalala rin ni Sharon noong panahong ipinagbubuntis pa lamang niya si KC.

“Nagmamahalan lang kasi kami nun,” bahagi ng komento niya.

Buwelta pa ng Kapamilya star, “Ano ba ang galit niyo at NIYA sa akin? Wala akong ginawang masama sa kanya.

“Ako ang umalis pero my heart was torn into pieces kasi parang tinapon ang puso at kaluluwa ko.

“Tama na.

“Nandiyan na ang bago niyang pamilya.

“Nandito na rin ang akin.  

“Masaya ako.

“Masaya siya di ba?

“Bakit ang bitter niyo?

“Tama na.

“Enough is enough.”


“WALANG KUWENTANG INA.” Hindi rin nagpapigil si Sharon na ipagtanggol ang sarili sa akusasyong wala siyang kuwentang ina.

“HELLO! WALANG KUWENTANG INA?! NAKITA NA BA NILA APAT NA ANAK KO? ATING ICOMPARE SA KABABUYAN AND KABASTUSAN NG BASHERS NA YAN!

Banat pa ng Megastar, “Sabagay… alam mo ang isang role din ng idolo ay ang kausapin ang fans niyang mga bastos para huwag ganon at masamang ugali yon.

“UNLESS MANA SA IDOLO ANG MGA BAHO NG BIBIG.”

Nanggagalaiti rin si Sharon sa kawalan daw ng utang na loob sa kanya ng taong minsang naging bahagi ng kanyang buhay.

“Sana pinalaki ko na lang ang panganay ko na punong-puno ng hatred sa kanya.”

Ani Sharon, “Ang lalaking ganon ay malamang nakukulangan sa sariling pagkalalaki kaya kailangan kababaeng tao ng walang kasing matiising babae ay kailangang sirain!

“Wala akong sinabing pangalan.

“Guilty lang ang tamaan,” ani Sharon.


OKAY WITH KC. May mga supporter din si Sharon na nagtanong tungkol sa relasyon nila ni KC.

Makailang ulit tiniyak ni KC na okay na okay silang mag-ina.

Ito ay kasunod ng bali-balitang may tampuhan sila.





Stories We Are Tracking

Sharon opens up about strained relationship with daughter KC
Sharon opens up about strained relationship with daughter KC
Sharon offended by
Sharon offended by "power-tripping" of Gabby's camp


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN