Kris Aquino goes on movie date with QC Mayor Herbert Bautista

IMAGE Dindo Balares/Balita

Movie date? Kris Aquino spotted watching Kasal with ex-boyfriend Quezon City Mayor Herbert Bautista.


Magkasamang nanood ng pelikulang Kasal si Kris Aquino at ex-boyfriend niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista kagabi, May 17.

Bida sa pelikulang ito ng Star Cinema sina Bea Alonzo, Derek Ramsay, at Paulo Avelino.

Base sa larawang ipinadala ng Balita entertainment editor na si Dindo Balares sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama si Mayor Herbert sa block screening ng pelikula sa isang mall sa Quezon City.

LOOK who went out together tonight to see Kasal. ????

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Tila naimbitahan si Mayor Herbert sa naturang event dahil, ayon sa post ni Kris kagabi, ang movie screening ay bonding moment niya kasama ang staff ng Kris Cojuangco Aquino Productions [KCAP].

“After seeing the trailer of KASAL, i texted @beaalonzo & promised her regardless of how busy, i’d make time to watch. Bonding namin ng girls of KCAP plus @jacksalvador, @alvingagui, @jonathanvelasco__ & DOP Shayne Sarte after our shoots for @unilab ang manuod tonight,” sabi ni Kris sa kayang post.

Wala siyang anumang nabanggit tungkol kay Mayor Herbert.

After seeing the trailer of KASAL, i texted @beaalonzo & promised her regardless of how busy, i’d make time to watch. Bonding namin ng girls of KCAP plus @jacksalvador, @alvingagui, @jonathanvelasco__ & DOP Shayne Sarte after our shoots for @unilab ang manuod tonight. Okay, to start Bincai & i finished all our Kleenex.????Bravo to my friend @krizgazmen for a heart wrenching story BUT the direction of @rekdibayani was just SUPERB! I felt so immersed in the beauty of Cebu. @ramsayderek07 was cunning, it’s depth of talent to be so convincing an a**hole on screen. @pauavelino- he made me FALL IN LOVE w/ his portrayal of Philip- he was so real & wounded, i just wanted to embrace him. i am a 100% BELIEVER in his immense GIFT to fully embody the complexities w/in all of us... BEA as Lia was pure in her honesty conveying true pain. It was raw & i cried w/ her because of the authenticity of seeing someone who was betrayed deeply to her very core... EVERYONE was perfectly cast. I was warned to not give away too much- so i’ll end this w/ what made an impact on me from KASAL’s story- Love is ACCEPTANCE, it is surrendering your romantic ideals for what is REAL- because after all finding LOVE is not the culmination- it is the beginning of a day to day process of encouraging, romancing, laughing, fighting, supporting, forgiving, understanding, and living... @moirarachelle you are a poet! Nakarepeat mode ngayon ang TAGPUAN.???????????????? Bravo Team KASAL! It’s a must watch! ????????????

A post shared by KRIS (@krisaquino) on

NAUNSIYAMING KASAL. Dahil Kasal ang titulo ng pinanood nilang pelikula, hindi maiwasan ng ilan na alalahanin ang hindi natuloy na planong pagpapakasal nina Kris at Mayor Herbert.

Sa isang dating panayam kay Kris, nabanggit niyang dalawang beses nang nag-propose si Herbert sa kanya.

Noong 2014 nangyari ang unang proposal ni Mayor Herbert kay Kris.

Ngunit mismong si Herbert daw ang nag-cancel ng wedding plan.

Sabi noon ng TV host/actress/celebrity influencer, “Inayawan niya ako.

"I’d like to think not me the actual person, but the complicated baggage that comes with having a relationship with me.”

Noong 2017, muling nag-propose si Herbert kay Kris.

Sa pagkakataong ito, si Kris naman ang umayaw sa proposal ng celebrity-turned-politician.

Ani Kris sa isang panayam, “I returned the ring not because gusto kong iparamdam sa kanya kung anong ipinaramdam niya sa ‘kin three years ago before that.”

Sa kabila ng mga pangyayaring ito, nananatiling magkaibigan sina Kris at Herbert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakaling muling maitadhana ang pagkakamabutihan pa nila lalo, sinabi ni Kris noon na gugustuhin niyang mangyari ito pagkatapos ng termino ni Herbert bilang mayor ng Quezon City sa 2019.

Biro pa noon ni Kris, “Then we’d know that we are both in it for real kasi I’m not after business permits.”


Stories We Are Tracking

Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris reveals Herbert proposed and gave her a diamond ring
Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy
Kris Aquino details rendezvous with Mayor Herbert in Italy


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN