Heart Evangelista clarifies she got pregnant naturally, not via IVF

IMAGE Instagram (@iamhearte)

Heart Evangelista answers a netizen who assumed that she got pregnant because of in vitro fertilization. The Kapuso actress announced her pregnancy last May 12.


Nilinaw ni Heart Evangelista na sa natural na paraan siya nabuntis, at hindi sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF.

Sa kanyang Instagram post nitong Huwebes, May 17, ibinahagi ng Kapuso actress na dapat sana ay kambal ang ipinagbubuntis niya, pero wala nang buhay ang isa dalawang embryos niya.

Isang netizen ang nagkopmento na hindi rin nabuhay ang isang embryo niya nang sumailalim siya sa IVF, o ang pagsasama ng egg at sperm sa laboratory at ipapasok muli sa uterus ng babae.

Paglilinaw naman ni Heart, nabuntis siya sa natural na pamamaraan.

“I got pregnant after 3 months of trying, NOT IVF,” komento ng 33-anyos na aktres.

Ipinaalam din ni Heart na ang tawag sa nangyari sa kanya ay Vanishing Twin Syndrome, kung saan ang isang embryo ay hindi nabubuo upang magbigay-daan sa isa pang embryo.


Stories We Are Tracking

Heart Evangelista reveals first heartbreak as expecting mom
Heart Evangelista reveals first heartbreak as expecting mom
Heart Evangelista is finally pregnant!
Heart Evangelista is finally pregnant!

Nakisimpatiya naman ang ilang netizens kay Heart sa kanyang pinagdadaanan.

May ilan ding netizens ang nagbahagi na nakaranas din daw sila ng Vanishing Twin Syndrome.

Ayon naman sa aktres, tiniyak ng doktor niyang parehong silang malusog ng kanyang ipinagbubuntis.





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN