Ynez Veneracion lashes back at Brunei-based businesswoman over money issue

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw papayag si Ynez Veneracion na sirain ang pangalan niya ng negosyanteng si Kathy Dupaya. Pahayag ng aktres,  "Patutunayan ko sa buong mundo na ikaw ang may kasalanan dito. Lalabas at lalabas lahat ang mga kasinungalangan mo."


Hindi nagpatinag si Ynez Veneracion sa naging pahayag ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn “Kathy” Dupaya laban sa kanya.

Ayon sa aktres, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabayad si Kathy sa kulang nitong PHP260,000 sa kanya.

Nagpaunlak ng eksklusibong panayam si Ynez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, May 18, upang ilahad ang hirap na kanyang pinagdaanan upang masingil ang natitirang pera mula kay Kathy.

Ang lalo pa raw ikinainis ni Ynez ay ang madalas na pangangako ni Kathy ng araw o petsa kung kailan ito maghuhulog sa kanyang bank account, na hindi naman nasusunod.

Lahad ng 37-year-old actress, “Nag-send po siya ng BDO [Banco de Oro] transaction, ang nakalagay po, ‘You have successfully scheduled your future transaction.’


“Ibig pong sabihin, ikaw ang nag-schedule kung kailan papasok ang pera.

"E, papa'no kung ang schedule mo ay next month, next year, next year ko pa makukuha ang pera ko, di ba?

"Di ba, kasi sabi ko, 'Kailan mo ini-schedule yung pera?'

“Sabi niya, ‘Basta papasok iyan, naipasok na.’

"Iyan ang statement niya, 'naipasok na.'"

Kasunod nito ang pagpapakita ni Ynez ng mga lumang bank transactions ni Kathy, kung saan nakalagay ang ‘You have successfully transferred your money.'”

Dagdag pa niya, “Dapat ganun,.. Magkaiba po ang future sa successfully transferred your money.”

Kailan sila huling nagkausap tungkol dito?

Saad ng dating sexy star, “Inaway niya ako noong isang araw lang dahil dun sa Tita Cristy [Fermin] program.

“Sinagot niya lahat yun, pero ang sagot niya kasi, nonsense na lahat, e.

“Nonsense na nonsense. Pinipilit niya talagang sinabi ko na ini-scam niya ako.

“In-explain ko ulit yun na, ‘Please, pakigamit naman ulit yung utak natin. Sabi ko po, feeling ko, nai-scam, ako.'

"Kasi po, yun ang nararamdaman ko, e. Totoo yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Feeling ko, nai-scam ako kasi hindi ko makuha-kuha yung pera.

“Pero hindi ko sinabi na, ‘Ay, ini-scam ako ni Kathy Dupaya.’ Mag-react ka kung ganun ang sinabi ko.”

Sa naunang panayam ng PEP.ph at ilan pang media kay Ynez, ang sinabi niya tungkol sa diumano’y taong hindi niya pinangalanan ay, “Lahat kami, parang feeling namin, na-scam kami.”


Stories We Are Tracking

Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion
Brunei-based businesswoman lashes back at Ynez Veneracion

NEXT MOVE. Marami-rami ring mga pangalan ang binanggit ni Ynez sa PEP.ph na nakapag-invest din daw kay Kathy na may kaparehong reklamo.

Hindi rin daw sila nababayaran o kaya ay sobrang delayed na ang pagbabayad ni Kathy.

Ano ang susunod na hakbang na gagawin nila?

Tugon ni Ynez, “Nakausap ko na po yung iba, pero ayoko pang sabihin.

"Ang akin lang, basta hindi pa po ako tapos sa kanya.

“Hindi pa po ako tapos dahil katulad nga nito, marami akong mga ebidensiya.

“So, inumpisahan mo ito, di ba? Tapusin natin, di ba?"

Mensahe pa niya kay Kathy, "Hindi ako papayag na sisirain mo yung pangalan ko, gagawa-gawa ka ng mga isyu.

“Dahil sa mga ebidensiya ko, talagang malakas ang mga ebidensiya kong sinungaling ka.

“Hindi totoo lahat iyang pinagsasabi mo. Sinasabi pa niya na, ‘Kumita ka naman, e.’

“Pinamumukha niya sa amin na, 'Kumita na kayo, mga wala kayong utang na loob.'

“Teka lang po, kumita na kami, so ibig po bang sabihin, hindi na puwedeng ibalik ang principal kasi kumita na kami?

“Samantalang nung inalok mo kami na mag-invest sa ‘yo, sinabi mong kikita ang pera namin.

“Sabi mo, ‘Six percent kikita kayo. At least ang pera niyo nandito lang, pero kumikita kayo monthly.’”


Aminado si Ynez na noong unang taon ng transactions nila ay maayos namang naibalik ni Kathy ang investment niya.

“In fairness naman, mga one year, maayos naman siyang magbayad.

"Kaya lang, nitong latter part, bigla na lamang ganito,” giit pa ni Ynez dahil nauusog daw nang nauusog ang pangako nitong araw ng pagbabayad sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dugtong pa ng aktres, “Sabi niya dati, anytime na kukunin namin yung principal, makukuha namin.

"Ngayon, may sumbat?"

SUMBONG NI YNEZ. May kausap na raw na abugado si Ynez tungkol sa kanyang investment kay Kathy.

Pero balak daw niyang unahin ang paglapit sa Wanted Sa Radyo ni Raffy Tulfo sa Radyo Singko.

Aniya, “Balak ko ngayon magpa-Tulfo. Baka sakaling si Kuya Raffy matulungan ako.

“Kasi ang dami niyang natutulungan, ang daming nagbabayad pag napapanood ko yung program niya, nababayaran.

"Kaya sabi ko, ang galing ni Kuya Raffy.

“Plano ko talaga mag-Raffy Tulfo muna."

Isa rin daw sa naiinis na artista kay Kathy ay si Sylvia Sanchez.

Ito ay kaugnay ng isyu kung saan nagpa-arrange si Kathy kay Ynez ng meeting kay Sylvia, na muntik na raw hindi siputin ng huli.

Saad ni Ynez tungkol dito, “Ang akin lang kasi, sana huwag na siyang mandamay ng ibang tao.

“Mag-focus lang tayo dun sa totoong problema na may utang ka sa aming lahat.

“Bakit hindi yun ang pag-usapan natin, kung sinu-sino mga inaano mo.

“Hindi ka ba natatakot, ang tataas na tao ang idinadamay mo?

"Focus tayo dito sa pagbabayad ng utang at huwag tayo sinungaling.”

“PINAGMUMURA NIYA AKO.” Sa huli, isiniwalat ni Ynez na pinagbantaan pa raw siya ni Kathy na isusumbong sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Ang sabi niya pa, idedemanda niya daw ako. Sabi niya, ‘Ipapa-NBI kita, kakasuhan kita ng libel.’

“Sabi ko, ‘Wow, kumpara natin ito dun sa mga pinagpu-post mo.’

“Pinagmumura niya ako. Nilagay niya yung buong pangalan ko, yung photos ko sa Facebook niya, at pinagmumura niya ako. Pinaglalait niya ako.

“Sabi ko, ‘Wow, alam mo ba kung anong sinasabi mo? Magkumpara tayo ng post sa Facebook.'

"Ang lakas naman ng loob mo!

"Alam mo, kung sino man dito ang may lakas ng loob na magdemanda, ako yun. Ikaw ang dapat kong kasuhan.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon daw, lumapit sa kanya ang asawa ni Kathy upang pilit silang pag-ayusin. 


Kuwento ni Ynez, “After niyang mag-iiyak kay Tita Cristy at magpapa-presscon, nag-text yung asawa sa akin.

“Forgive and forget na lang daw. Bakit? Para hindi ako magsalita. Kasi alam niyang may mga evidence ako, e.

“Sabi ko, 'Kuya, pagkatapos niya akong siraan, forgive and forget?'

“'Hindi ganun yun. Sana ginawa niya po iyan bago siya lumabas, bago niya ako siraan, nagpa-presscon pa siya.'

“Inaayos nila ako ngayon, ha, gusto nila makipagsundo. No.

“Hindi ganun yun. Sinira mo ako, lalaban ako nang patas.

"Inumpisahan mo 'to, e, di tapusin na lang natin."

Banta pa ng aktres, “At patutunayan ko sa buong mundo na ikaw ang may kasalanan dito.

“Lalabas at lalabas lahat ang mga kasinungalangan mo.

“Tandaan mo, hindi lang ako, marami kami.”

Bukas ang PEP.ph sa panig ni Kathy Dupaya kaugnay ng mga bagong pahayag ni Ynez Veneracion.


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN