Dingdong Dantes grateful to be allowed to work with actors from rival network

IMAGE Noel Orsal

"So far, okay pa naman, hindi ako nagkakaproblema," says Kapuso actor Dingdong Dantes about working with other celebrities from other TV network.


Isa si Dingdong Dantes sa exclusive contract artists na nakakagawa ng pelikula kasama ang prime artists mula sa ibang network.

Kaya malaki ang pasasalamat ng aktor sa GMA-7 dahil binibigyan siya ng pagkakataong makapagtrabaho sa labas ng kanyang home network.

Katulad na lamang ng pinakabago niyang pelikula, ang Sid & Aya, kung saan katambal niya ang Kapamilya star na si Anne Curtis.

Magsisilbi rin itong tila reunion project ng dalawa, na dating nagkasama sa youth-oriented series ng GMA-7 na TGIS.

“So far, okay pa naman, hindi ako nagkakaproblema,” sabi ni Dingdong nang matanong kung walang problema sa GMA Network ang paggawa niya ng pelikula kasama ang celebrities mula sa ABS-CBN.

“In fact, grateful ako sa kanila, kasi kung hindi nila ako pinayagang gumawa sa labas, hindi talaga ako makakagawa.

“Collaborative din naman yun, e. Dahil nga sa pinayagan nila ako.

“Viva naman, iba talagang usapan dahil nga nag-umpisa talaga ako sa Viva.”

Ang Viva Entertainment ang producer ng hit youth-oriented show noon sa GMA na TGIS.

Ito rin ang producer ng pelikulang Sid & Aya na ipalalabas simula May 30.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

SUPPORTIVE WIFE. Bukod sa kanyang home network, nagpapasalamat din ang Kapuso actor sa pagiging supportive ng kanyang asawang si Marian Rivera.

Sabi ni Dingdong tungkol kay Marian, “Yung pagkakaintindi niya sa trabaho ko, alam niya kung gaano ko kamahal ang trabaho ko.

“Talagang nandun siya to support kung ano ang gusto ko especially in this line of work.”

Sa katunayan, excited na raw ang Kapuso actress ang bago niyang pelikula.

“Noong makita niya yung teaser pa lang, talagang naintriga na siya. She thought na it was something different,” nakangiting sabi ni Dingdong nang makausap siya ng entertainment reporters sa press conference ng Sid & Aya, Huwebes ng gabi,May 17.

Ayon kay Dingdong, nakatulong ang pagiging married man niya sa pag-e-explore ng mga role na puwede pa niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung pagiging married ay isa sa pinakamagandang desisyon na nagawa ko.

“Grateful ako na dahil doon ay mas naging passionate ako to look for material na makakapagpa-challenge sa akin bilang aktor.

“Kasi, wala naman akong guiding principle na kailangan this year gumagawa ako ng ganitong klaseng movie.

“Kasi, hindi naman namin hawak kung anong klaseng project ang lalapag sa amin.

“So, ang instinct lang namin ay kung nae-excite ba kami sa project na ito o hindi.”

Nakadagdag daw ang bago niyang role bilang asawa at ama sa tunay na buhay sa kanyang trabaho bilang aktor.

“Siguro yung maturity is one important factor din kasi, definitely, yung marriage will make you mature na as a person kaya I'm so thankful.

“With a script like this and a character like this, si Sid, kailangan may kakaiba kang perspective, hindi lang siya two-dimension lang o one-dimension lang, ito lang ang pag-ibig, dito ko lang siya i-interpret.

“Ang laking bagay, ang laking tulong ng lahat ng 20 years—lahat ng experiences, simula nang mag-umpisa kami sa TV, TGIS, hanggang ngayon—on how we are as actors right now,” pagtatapos ni Dingdong.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN