Christian Bables mourns death of his grandfather

IMAGE Christian Bables Instagram

Christian Bables on the passing of his grandfather: "Hanggang ngayon, sobrang lungkot at sobrang sakit, kasi he's been a big, big part of the man I became. Isa siya sa nag-mold sa kung sino man ako ngayon."


Ipinagluluksa ng aktor na si Christian Bables ang pagpanaw ng kanyang lolo na si Warlito Mercurio noong Miyerkules, May 16.

Sa kanyang Instagram post, inihayag ni Christian ang labis na pagdadalamhati sa pagpanaw ng lolo niya.

Mensahe niya, “The most painful goodbyes are the ones that are never said and never explained.

"You’ve been a big big part of the man I became. I am deeply pained, tay.

"Sorry, I love you, and see you again tatay."

Ngayong Biyernes ng gabi, eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Christian sa pamamagitan ng private messaging sa Facebook.

Kasalukuyang nasa airport ang aktor dahil lilipad siya papuntang Bacolod para sa lamay ng lolo niya, na ang tawag niya ay "Tatay."

Malungkot na kuwento ng aktor, "My tatay is 76 years old. He died just two days ago.

"Naliligo lang siya, and sa sobrang init siguro, natumba siya sa banyo, then tumama ang ulo niya.

"Pumutok ang ugat sa head, then nagkaron na ng several hemorrhage and clots inside the head.

"Hanggang sa he went into comatose, then nagkaroon na ng complications sa lungs and kidneys niya.

"He fought for almost a week."

Dagdag ni Christian, "I even asked permission to the production unit ng teleserye namin sa ABS-CBN para makauwi ako ng Bacolod at bisitahin at kahit papa'no bantayan siya.

"To their kindness and love, pinayagan naman po nila ako.

"I came back na to Manila, and I was on my way to my presscon for my short film kay Tito Boy [Abunda] and for my launching under his management, when my kuya called me na patay na nga ang tatay."

Ayon pa sa aktor, "Hanggang ngayon, sobrang lungkot at sobrang sakit, kasi he’s been a big, big part of the man I became.

"Isa siya sa nag-mold sa kung sino man ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May guilt lang sa feeling kasi sa sobrang busy sa buhay-buhay, medyo hindi ko na-reply-an yung mga last texts at tawag niya sa akin bago mangyari yung ngayon."

Dagdag niya, "Ang wake ay sa ancestral house namin sa Escalante, Negros Occidental.

"Again, pinayagan ulit ako ng RSB drama unit na umuwi hanggang libing, they even gave flowers for my tatay."

Bahagi si Christian ng ABS-CBN afternoon drama series na Asintado.

Sa huli, nagpaabot ng mensahe si Christian sa lahat ng nakiramay at nakisimpatiya sa kanya at sa kanilang pamilya.

Saad niya, "Me and my family are very much thankful for all the sympathies that are coming from all the directors, co-actors that I have worked with, friends in and out the industry, and supporters.

"Sobrang laking bagay po, maraming maraming salamat sa pakikiramay at dasal."

Si Christian ay nakilala nang husto dahil sa pelikulang Die Beautiful na entry sa 2016 Metro Manila Film Festival kung saan napagwagian niya ang Best Supporting Actor trophy.


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN