Cesar Montano claims ex-DOT Secretary Wanda Teo pushed for P80M payment to Buhay Carinderia

IMAGE ABS-CBN News

Tourism Promotions Board Chief Cesar Montano tags ex-DOT Secretary Wanda Teo on Buhay Carinderia controversy. He says, "The TPB extended our reservation. We informed Secretary Teo that the disbursement was too fast and we didn't need to pay them immediately."


Itinuro ni Tourism Promotions Board (TPB) Chief Cesar Montano si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo na siya umanong humimok sa aktor na bayaran ang paunang bayad na PHP80 million sa kontrobersiyal na Buhay Carinderia project.

Ang Buhay Carinderia, isang video series na layong i-promote ang local eateries sa bansa, ay inorganisa ng marketing agency na Marylindbert International na pagmamay-ari ni Erlinda Legaspi.

Ibinunyag ni Montano sa panayam nito sa dzBB nitong Biyernes, May 18, na sinabi umano sa kanya ni Teo na kaibigan nito si Legaspi.

Kamakailan ay ipinag-utos ng bagong-talagang Department of Tourism (DOT) secretary na si Bernadette Romulo-Puyat na suspindehin muna ang lahat ng proyekto ng Buhay Carinderia, hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng Commission on Audit.

Ipinaabot din ng bagong Tourism secretary kay Montano na hindi siya kumportableng hindi idinaan sa bidding ang milyun-milyong government money na inilagak sa Buhay Carinderia project.

Katuwiran ni Puyat, dapat ay idinaan sa bidding at hindi sa sponsorship ang pagtatalaga ng pondo ng gobyerno sa naturang proyekto.

Sinabi rin ni Puyat na ang ganitong klaseng sponsorship ay hindi nangyayari sa pinanggalingan niyang ahensiya, ang Department of Agriculture, kung saan naging undersecretary siya.


Stories We Are Tracking

DOT orders suspension of TPB's Buhay Carinderia
DOT orders suspension of TPB's Buhay Carinderia

Depensa ni Montano, ipinahayag ng kanyang ahensiya kay Teo ang agam-agam nila sa mabilis na pagbabayad sa Marylindbert International kahit hindi pa nasisimulan ang proyekto.

“The TPB extended our reservation. We informed Secretary Teo that the disbursement was too fast and we didn't need to pay them immediately,” pahayag ni Montano.

Ayon pa sa aktor, hindi nila makuwestiyon si Teo dahil ito ang chairman at boss ng DOT.

Ayon sa mga ulat, halos fully-paid na ang Buhay Carinderia project kahit hindi pa ito nagsisimula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN