Paolo Ballesteros diagnosed with slipped disc; wears lumbar corset

IMAGE Paolo Ballesteros Instagram

Kailangan na ngayong magsuot ni Paolo Ballesteros ng lumbar corset (kanan) pagkatapos siyang ma-diagnose na mayroon siyang slipped disc.


Pagkatapos i-post ni Paolo Ballesteros ang resulta ng kanyang MRI (magnetic resonance imaging), kung saan nadiskubreng mayroon siyang slipped disc, nag-post ang aktor ng larawan sa Instagram suot niya ang lumbar corset.

“My Newest fashion must-have #LumbarCorsetpamore,” caption ni Paolo.

Ang pangunahing gamit ng lumbar corset ay magbigay-suporta sa lower back muscles para maibsan ang lower back pain.

Nakakatulong din itong ma-relieve ang extensive arthritis at mild lumbar instability.

My Newest fashion must-have ???????? #LumbarCorsetpamore

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Ayon sa Healthline.com, ang slipped disc ay “injury or weakness can cause the inner portion of the disk to protrude through the outer ring. This is known as a slipped, herniated, or prolapsed disk. This causes pain and discomfort. If the slipped disk compresses one of your spinal nerves, you may also experience numbness and pain along the affected nerve."

Wala pang update si Paolo kung dadaan ba siya sa surgery o physical therapy para sa kanyang slipped disc.

Kadalasan, ang ipinapayo ng mga doktor sa mga taong may slipped disc ay magpahinga at iwasan ang pagbuhat ng mga mabibigat na bagay.

Sa kaso ni Paolo, mukhang mahirap na sabihan siyang magpahinga dahil bukod sa paggawa ng pelikula, napapanood din siya araw-araw sa noontime show na Eat Bulaga.

Mas magiging in-demand pa si Paolo dahil certified blockbuster ang pelikula niyang My 2 Mommies.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN