Jennylyn Mercado not yet ready to tie the knot with BF Dennis Trillo

IMAGE Instagram / Rommel Gonzales

Jennylyn Mercado on wedding plans with boyfriend Dennis Trillo: "Naku hindi pa, malayo pa, matagal pa. Marami pa kaming mga kailangang gawin sa buhay. Hindi pa kami ready pareho."


Dahil kaarawan ni Jennylyn Mercado nitong nakaraang May 15, tinanong namin siya kung ano ang birthday wish niya.

Lahad niya, “Basta huwag lang akong magkasakit, maging healthy lang kami palagi.

“Kasi mag-isa lang ako, e.

“So, ayokong nagkakasakit para sa family ko, kasi mahirap maging single mom, so kailangan laging healthy.”

Ano naman ang pinakaespesyal na regalong natanggap niya?

Sabi niya, “Siguro enough na sa akin yung ano, yung magkakasama kaming lahat, masaya na ako dun.

“Espesyal na yun.”

Wala bang materyal na regalo sa kanya si Dennis Trillo?

“Meron, pero sa amin na lang yun,” at tumawa si Jennylyn.

Ayaw ring sabihin ni Jennylyn kung ano ang regalo niya kay Dennis na nag-birthday naman noong May 12.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn sa taping ng The Cure ng GMA-7 sa Golden Hills sa Antipolo kahapon, May 18.

SWEET PHOTO. Kakagaling lang nina Jennylyn at Dennis mula sa four-day vacation nila sa Balesin.

Doon nga kinuha ang sweet photo na ipinost ni Dennis sa kanyang Instagram.

Sa litrato, makikitang pasan ni Dennis si Jennylyn sa tabing dagat, at may caption itong, “Papasanin ko kahit ang buong mundo para lang sayo, makita ko lang na lumigaya ka ng ganito Maligayang Kaarawan mahal ko.”

Maraming netizens ang kinilig sa napaka-sweet na post na iyon ni Dennis.

Kahit si Jennylyn ay kinilig doon.

Pakli niya, “Oo naman.”

May mga nagsasabing sobrang sweet at vocal si Dennis ngayon, maging si Jennylyn.

Pagsang-ayon ni Jenn, “Ganun pa rin naman ako, pareho pa rin.

“Wala namang pinagbago, wala.”

NO WEDDING PLANS YET. Dahil nga sa kanilang matatag na relasyon, hindi maiwasang maraming magtanong sa kanila kung kalian sila magpapakasal.

“Naku hindi pa, malayo pa, matagal pa.

“Marami pa kaming mga kailangang gawin sa buhay. Hindi pa kami ready pareho.

“Bata pa ako, twenty two pa lang ako,” pabirong hirit ni Jennylyn, who just turned thirty two.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Apat raw silang may birthday na nag-celebrate sa Balesin.

“Ako, si Dennis, yung kapatid niyang isa, si Christian, tsaka yung fiancé nung kapatid niyang babae, si Mark.

“So apat kami,” pahayag niya.

Kasama rin daw ang kani-kanilang pamilya sa naturang bakasyon.

DENNIS'S BROTHER TO TIE THE KNOT. At dahil ikakasal ang kapatid ni Dennis, malamang nga na hindi pa magpapakasal sina Jennylyn at Dennis dahil bawal ang sukob, o yung magkapatid na ikakasal sa loob ng isang taon.

“Ah, ganun ba?

“Wala naman kami plano, huwag kayong mag-alala,” at muling tumawa si Jennylyn.

Sa November daw ang kasal ng kapatid ni Dennis.

Pag-amin niya, “Hindi ako sure ha, pero ang alam ko ngayong taon.

“Hindi ako sure.”

So hanggang November 2019 ay hindi puwedeng magpakasal sina Jennnylyn at Dennis.

“Wala naman kaming plano, huwag kayong mag-alala!

“Wala kaming plano, okay lang yan, safe na safe, walang sukob na magaganap,” paninigurado niya.

Hindi rin daw totoong nagpa-secret wedding sina Jennylyn at Dennis sa Balesin.

Dagdag pa niya, “Wala, wala po, hindi namin plano yan, wala kaming planong ganyan.

“Nag-e-enjoy lang kami.”

Kung sakaling magpapakasal na sila, gusto ba nila na alam ng publiko ang mga kaganapan?

Ani Jenn, “Hindi namin alam kasi sasabihin namin pag nandiyan na kami.

“Pero wala e, sa ngayon gusto lang naming mag-enjoy.”

Kapag may mga nababalitaan o nakikita si Jennylyn na ikinakasal, hindi ba siya naiinggit.

Wala bang inggit factor?

Diin niya, “Wala, e! Ang dami ko pa kasing iniiisip.

“Wala muna po.”

Pero masaya raw siya kapag may nakikita siyang ikinakasal.

“Siyempre naman!”

NEW SHOW. Kumusta naman ang The Cure?

Kuwento ni Jenn, “Naku, dumadami na ang mga infected!

“Medyo gumugulo na ang mga pangyayari, so kailangan tutukan na nila kasi ang dami ng nangyayari.”

Ang The Cure ay kuwento tungkol sa isang experimental drug na pumapatay ng cancer cells pero ang side effect naman ay ang mutation ng mapanganib at nakahahawang virus na Monkey Virus Disease or MVD.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sinumang ma-infect nito ay nagiging rabid at bayolente na mas masahol pa sa isang asong ulol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN