Prince Harry, former actress Meghan Markle now married

IMAGE Instagram (@meghanmarkleimages)

Prince Harry finally ties the knot with former Hollywood actress Meghan Markle in a royal wedding at the Windsor Castle.


Ikinasal na ang British royalty na si Prince Harry, 33, sa kanyang American girlfriend na si Meghan Markle, 36, sa isang magarbong kasal sa Windsor, England, ngayong Sabado, March 19 (Philippine time).

Libu-libong Briton ang nakiisa sa pagpapakasal ng kanilang prinsipe sa kanyang  former Hollywood actress girlfriend sa makasaysayang St. George Chapel sa Windsor Castle.

Bago mangyari ang kasal, iginawad ni Queen Elizabeth sa kanyang apong si Prince Harry ang titulong Duke of Sussex, kaya't pagkatapos ng kasal, sina Prince Harry at Meghan ay maituturing nang Duke at Duchess of Sussex.

Dinaluhan din ng mga sikat na celebrities ang tinaguriang royal wedding, katulad nina Oprah Winfrey, ang kilalang British soccer player na si David Beckham at ang asawa nitong ex-Spice Girls member na si Victoria Beckham, ang Hollywood actor na si George Clooney at ang asawa nitong si Amal Clooney, ang British singer na si Elton John at ang British host na si James Corden.

Nagkakilala sina Prince Harry at Meghan noong 2016 sa pamamagitan ng isang blind date.

Nag-propose si Prince Harry sa aktres noong 2017 at noon din inanunsyo ni Meghan ang kanyang pagre-retire sa pag-arte.

Kabilang sa mga proyektong ginawa ni Meghan ay ang Hollywood TV series na Suits, at mga pelikulang Remember Me (2010) at Horrible Bosses (2011).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN