New Senate President Tito Sotto to take a leave from Eat Bulaga!

IMAGE Screengrab from CNN Philippines Facebook page

Magpo-focus muna raw sa kanyang tungkulin bilang bagong Senate President si Senator Tito Sotto kaya pansamantala muna siyang hindi mapapanood sa Eat Bulaga!


Pansamantala munang hindi mapapanood si Senator Vicente “Tito” Sotto III sa Eat Bulaga! matapos siyang mahalal bilang Senate President ngayong Lunes, May 21.

Pinalitan ni Senator Sotto si former Senate President Aquilino "Koko" Pimentel III matapos itong mag-resign sa kanyang posisyon. 

Pagkumpirma ni Senator Sotto sa media, “Yes, magpapaalam muna ako [sa Eat Bulaga!].”

Si Tito Sen—bansag sa mambabatas sa mundo ng showbiz—ang isa sa original hosts ng noontime show, kasama ang kapatid na si Vic Sotto at si Joey de Leon.

Halos apat na dekada na sa ere ang Eat Bulaga!

Tututukan daw ni Senator Sotto ang mga bagong panukalang batas na nais nilang maging ganap na batas. 

Magpapakita pa ba siya sa noontime show tuwing Huwebes, Biyernes, at Sabado, kung kailan wala namang sesyon ang Senado?

Tugon ng mambabatas, “Hindi na siguro, hindi na muna. Mag-uusap kami nila Vic at Joey at ni Tony Tuviera.”

Si Tony Tuviera ang may-ari ng T.A.P.E. (Television And Productions Exponents) Inc., ang producer ng longest-running noontime show sa bansa. 


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN