Aiko Melendez not scared to get married for the third time

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez not bitter about her two failed marriages: "At sa mga nagsasabi na di nagtatagal mga relasyon ko? Excuse me po, taon po ang tinatagal nito, nagkataon lang na imbes na pwede pa kami magkaroon ng chance pareho ng exes ko na maging masaya why waste time?"


Naniniwala si Aiko Melendez na third time’s the charm sakaling ikasal siya ulit.

Sa kanyang Instagram post kahapon, May 20, sinabi ni Aiko na pangarap niyang makasal sa kabila ng dalawang beses niyang pagkabigo sa buhay may-asawa.

Kaugnay ito ng pagkabighani ni Aiko sa royal wedding ni Prince Harry at ng American actress na si Meghan Markle sa London noong Sabado, May 19 (Manila time).

At pati na rin sa successful married life nina Prince William at Kate Middleton ng royal family.

Kasabay nito, ibinahagi ni Aiko ang side-by-side photos ng wedding gown nina Meghan at Kate.

Pahayag ni Aiko, “It comes in 3 ako na next .... Pustahan tayo ang dami nanaman hanash ng mga trolls. Pwedeng nagagandahan ako sa royal wedding.

“I'm sure you also get that feeling of wanting to walk down the aisle wearing the gown that you love. And that's exactly how im feeling right now.

“And parang feeling ko mababasa ko na naman pangatlo ko na to and all, eh di kayo na ang perfect.

“Again di nyo naman alam ang buong story why it ended.”

GO HAPPY HEART. Nanindigan si Aiko na hindi niya ipagkakait sa sarili ang lumigaya sa piling ng taong mahal niya.

“Ang importante is ung ngayon, Present... Life is too short to dwell on negative things.

“Life is about becoming a better individual after every fall...

“At ang pinaka mahalaga, di ako nagpabaya bilang ina sa mga anak ko.

"Maayos ang buhay ng mga anak ko. At napapalaki ko sila ng maayos na bata.

“So to sum up this post, happy ako sa mga kinakasal, parang ang sarap talaga magmahal.

"Kaya relax lang kayo sa kakapuna sa akin."

Unang ikinasal si Aiko sa aktor na si Jomari Yllana sa isang civil ceremony noong December 16, 1996.

Ginanap ang kanilang church wedding noong July 23, 2000.

Ngunit naghiwalay sila noong 2001 at na-annul ang kanilang kasal noong 2004.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon silang anak na lalaki—si Andre, 19.

Nagpakasal si Aiko sa kanyang ikalawang mister na si Martin Jickain noong 2006, ngunit na-annul din ang kanilang kasal noong 2010.

Mayroon silang anak na babae—si Marthena, 10.

Sa kasalukuyan, karelasyon ni Aiko si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun.

Si Aiko ay 42 taong gulang at si Mayor Jay ay 40.

NO TO WASTING TIME. Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Aiko, ipinaliwanag niya ang kanyang desisyon na sumugal sa pag-ibig nang paulit-ulit.

“At sa mga nagsasabi na di nagtatagal mga relasyon ko? Excuse me po, taon po ang tinatagal nito.

"Nagkataon lang na imbes na pwede pa kami magkaroon ng chance pareho ng exes ko na maging masaya, why waste time?

“So next time dun sa mga nagmamagaling na parang alam nyo buhay ko... Zip it ??

“And keep your fact straight (sir @edwintan_ph paready na pls po ang aking gown) #alamna gusto ko pag gsing ko naka gown lang ako wala lang hahah!”

Pinaalalahanan din ni Aiko ang kanyang detractors na tigilan ang pagbibigay ng malisya sa posts niya sa social media.

“Lastly, ang buhay ng artista kapag me movie or work together, sinasabi nagiging sila, pero di ibig sabihin lahat ng nababasa nyo eh totoo.

“Look into the mirror first before you judge other people’s life"

It comes in 3 ako na next .... :) ???? Pustahan tayo ang dami nanaman hanash ng mga trolls . Pwedeng nagagandahan ako sa royal wedding :) Im sure you also get that feeling of wanting to walk down the aisle wearing the gown that you love ?? And thats exactly how im feeling right now :) And parang feeling ko mababasa ko nanaman pangatlo ko na to and all , eh di kayo na ang perfect :) Again di nyo naman alam ang buong story why it ended. Ang importante is ung ngayon, Present... Life is too short to dwell on negative things. Life is about becoming a better individual after every fall... At ang pinaka mahalaga di ako nagpabaya bilang ina sa mga anak ko :) Maayos ang buhay ng mga anak ko :) At napapalaki ko sila ng maayos na bata :) So to sum up this post happy ako sa mga kinakasal parang ang sarap talaga mag mahal ?? Kaya relax lang kayo sa kakapuna sa akin :) At sa mga nagsasabi na di nagtatagal mga relasyon ko? Excuse me po taon po ang tinatagal nito, nagkataon lang na imbes na pwede pa kami magkaroon ng chance pareho ng exes ko na maging masaya why waste time? So next time dun sa mga nagmamagaling na parang alam nyo buhay ko .. Zip it ?? And keep your fact straight :) sir @edwintan_ph paready na pls po ang aking gown :) #alamna gusto ko pag gsing ko naka gown lang ako wala lang hahah! Lastly, ang buhay ng artista kapag me movie or work together sinasabi nagiging sila pero di ibig sabihin lahat ng nababasa nyo eh totoo. Look into the mirror first before you judge other people’s life :) Hapoy Sunday!!! #behappy Basahin mabuti ang post ko... Baka mag assume nanaman kayo ng iba :) nagagandahan lang ako sa kanila ;) dahil ako ang nawawalang isa pang prinsesa ng royal family ???? #princessemiliaardiente sa @iammanginasal ang reception ng pictorial ko ahahhahaahha!

A post shared by Ms Aiko Melendez (@aikomelendez) on


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez to trolls:
Aiko Melendez to trolls: "Eat your hearts out."
Aiko Melendez on boyfriend Jay Khonghun:
Aiko Melendez on boyfriend Jay Khonghun: "He's got my back."
Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation
Subic mayor denies involvement of Aiko in his separation
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor
Aiko Melendez confirms relationship with Subic mayor


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN