Ara Mina confirms investment in Brunei-based businesswoman's firm

IMAGE Arniel Serato

Natatakot si Ara Mina na mapunta lamang sa wala ang pinaghihirapan niyang pera na in-invest niya sa negosyo ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn "Kathy" Dupaya. Hindi pa rin daw niya alam ang susunod na hakbang na gagawin mabawi lamang ang kalahating milyong pisong naibigay niya kay Kathy. 


Nagsalita na rin si Ara Mina tungkol sa perang in-invest niya sa negosyo ng Brunei-based businesswoman na si Kathelyn “Kathy” Dupaya.

Noong una, ayaw raw sana ni Ara na magkomento dahil natatakot siyang baka tuluyan na siyang hindi mabayaran.

Hanggang ngayon daw kasi, puro pangako lang ang sagot sa kanya ni Kathy kapag sinisingil niya ito.

PHP500,000 ang na-invest na pera ni Ara sa negosyo ni Kathy.

Pahayag ng aktres, “Ayoko magsalita ng word na ano, e...

"Totoo naman na may investment ako, hindi ko pa nakukuha.

“Pero sa sobrang dami kong ginagawa, hindi ko pa alam kung ano gagawin ko, kasi nagpapa-follow up naman ako.

"'Tapos yun nga, e, antay lang, antay lang daw, antay lang.

“Last year, late last year [ako nag-invest]. Isa ako sa pinakahuli, e.”

Bago ang buwang ito, sinisingil ni Ara si Kathy, pera wala pa raw naibibigay na bayad ang negosyante.

“Wala pa. Sabi ko nga, pa-birthday gift na sa akin na makuha ko yung money, e. Antay lang daw,” ani Ara, na nagdiwang ng kanyang ika-39 kaarawan noong May 9.

Patuloy niya, “Sabi ko, ‘Alam ko nagkakagulo kayo ni Ynez...’

"And [kung] ako naman kina Ynez, kung ano sa tingin nila ang tama gawin nila for them."

Si Ynez Veneracion ang labis na nag-ingay laban kay Kathy dahil may kulang pa raw ito sa kanyang PHP260,000.


Stories We Are Tracking

Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez speaks up about falling victim to investment scam
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue
Ynez Veneracion lambasts businesswoman over money issue

Dagdag pa ni Ara, “Kung ano ang move ang gusto nilang gawin.

"E, ako kasi, may fun run pa ako, may Hazelberry pa akong bubuksan, so hindi ko maasikaso.”

Ang Hazelberry Café ay isang restaurant na pag-aari ni Ara.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Ara sa presscon ng kanyang paparating na celebrity fun run, na ginanap sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, noong Huwebes, May 17.


Ang celebrity fun run ni Ara na "Tara Na Sa Arena (Run For Down Syndrome)" ay gaganapin sa May 27 sa Philippine Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inaasahan ang pagdalo rito ng maraming celebrity friends ng aktres.

Ang beneficiary nito ay ang Down Syndrome Association of the Philippines (DSAP).

NEXT MOVE? Nababahala raw ngayon si Ara na baka mapunta sa wala ang kanyang investment sa negosyo ni Kathy.

Aniya, “Nakakausap naman, pero ano lang, sobrang ano lang...hindi ko na alam kung mababayaran pa ako.”

Hindi naman daw siya pinagtataguan ng negosyante, ngunit pinaghihintay siya nito.

Saad niya, “Sinasagot ka naman niya, e.

"Pero hindi ko talaga alam... pero naano na kasi ako, e, nadala na ako sa mga ganyan, medyo napapagod na ako.”

Balak ng kampo ni Ynez at iba pang nag-invest kay Kathy na gumawa ng legal na hakbang laban sa negosyante, sasama ba siya sakaling magsampa sila ng reklamo sa korte?

Tugon ni Ara, “Pinag-iisipan ko pa. Pinag-iisipan ko pa.

"Tapusin ko muna itong mga commitments ko 'tsaka para ma-clear ko muna yung mind ko kung anong move na gagawin ko dito sa investment ko.”


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN