Dingdong Dantes mum about rumored senatorial bid in 2019

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes neither confirms nor denies rumored election bid in 2019.


Tikom ang bibig ni Dingdong Dantes tungkol sa napapabalitang tatakbo siya sa mid-term elections sa 2019.

Sa ginanap na press conference ng pelikula nila ni Anne Curtis, ang Sid & Aya, noong Huwebes, May 17, natanong ang Kapuso actor tungkol dito.

Una, kinuha ang kanyang reaksiyon sa lumabas na resulta ng survey ng Pulse Asia tungkol sa mga posibleng tatakbo sa pagka-senador sa 2019 elections, kung saan kasama ang pangalan ni Dingdong.

Ngumiti lamang siya at sinabing, “Huwag na [nating] pag-usapan iyan.”

Sumunod ay tinanong siya, “Wala pang plans o hindi pa kinu-consider at the moment?”

Nakangiti lang at tikom ang bibig, ngunit may kaunting pag-iling ang naging sagot ni Dingdong dito.

Anne Curtis clarifies there's no competition between her and Vice Ganda.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Read: Dingdong Dantes, tatakbo bilang senador o congressman?

Noong nakaraang buwan, muling umugong ang usap-usapang papasok si Dingdong sa pulitika dahil sa post niya sa Instagram Story, kung saan ginawaran siya ng Certificate of Participation sa ginanap na leadership workshop na “Philippine Emerging Leaders Initiative.”



Sa column ni Ricky Lo sa The Philippine Star noong March 1, sinabi ni Dingdong, “I will not deny that there are certain groups talking to me.

“Maybe the question should be… kailangan ba?

“I mean, I love my family, I love my work as an actor, and I also value my community work.

“Therefore, it is something that shouldn’t be answered only by me alone.”


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN