Teresa Loyzaga defends son Diego over Boracay throwback photos

IMAGE Instagram (Diego Loyzaga)

Teresa Loyzaga took to Instagram to defend son Diego Loyzaga, who is being criticized for posting Boracay photos, which were actually taken a few weeks before the temporary closure of the world-famous island. 


Ipinagtanggol ni Teresa Loyzaga ang anak na si Diego Loyzaga laban sa ilang kritiko at bashers kasunod ng pag-post ng aktor ng mga larawan nito, kasama ang dalawang kaibigan, na kuha sa Boracay.

Sa orihinal na Instagram post ni Diego ay hindi niya binanggit na throwback photos ang mga ito.  

Mula noong April 26 ay pansamantalang isinara sa publiko at mga turista ang Boracay para sa six-month rehabilitation program nito.

Imagine if i never met the broskies

A post shared by Diego Loyzaga (@diegoloyzaga) on

Dahil sa Instagram post ni Diego, may mga netizen ang nag-react at binatikos ang Kapamilya young actor.

Inakusahan pa nila ang binata na gumamit daw ng impluwensya para makapasok sa Boracay.

Kaagad namang in-edit ni Diego ang kanyang post at ipinaliwanag na wala siyang nilalabag dahil throwback photos ang mga iyon.

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga nagalit.  


Stories We Are Tracking

Diego defends himself after getting flak for Boracay pics
Diego defends himself after getting flak for Boracay pics
Diego Loyzaga fed up with people
Diego Loyzaga fed up with people "na napakakitid ng utak"

TERESA DEFENDS DIEGO. Sa gitna ng mga batikos laban kay Diego, isang netizen ang nagtanggol sa young actor at sinabing pinalaki ito nang mabuti ng kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Hindi raw siya naniniwala sa mga akusasyon laban kay Diego.

Binanggit din ng netizen na naging isyu lang ito dahil nasasangkot ngayon sa kontrobersiya ang ama ni Diego na si Cesar Montano.

Sumagot dito si Teresa sa pamamagitan ng sunud-sunod na komento.

Pagtatanggol ng aktres sa anak, ang mga nasabing throwback photos ay “simple tribute to friends and friendship blown out of proportion.”

Binanggit pa ni Teresa na kasama siya ni Diego sa naturang bakasyon, mula March 29 hanggang April 1, o halos tatlong linggo bago ang pagpapasara sa isla ng Boracay.


May isang netizen naman ang nagkomentong sabihan daw ni Diego ang amang si Cesar na magbitiw na bilang chief ng Tourism Promotions Board (TPB).

Sagot ni Teresa sa netizen, huwag sabihan si Diego kung ano ang dapat nitong gawin.

Kung gusto ng netizen ay ito mismo ang mag-message kay Cesar sa social media page nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Nitong Lunes, May 21, ay nagbitiw na si Cesar bilang TPB chief.


Stories We Are Tracking

Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief
Cesar Montano resigns as Tourism Promotions Board chief

Inakusahan din ng isang basher ni Diego na ginagamit ang Boracay para pag-usapan siya.

Sagot dito ni Teresa, “Ikaw ang nag-a-assume niyan.

“Don’t be too quick to conclude. Don’t judge.

“It’s not nice and most of the time wrong. Peace.” 



Idinaan naman ni Teresa sa biro ang sagot niya sa ilang netizens na pinuna ang tila pagbigat ng katawan ni Diego.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN