Is someone hindering Pokwang's return to showbiz?

IMAGE Screengrab from ABS-CBN's Kapamilya Chat

Who is Pokwang alluding to in this Twitter post: "Gusto ko lang naman maghanapbuhay nang marangal, at bilang nais ko lang din magbalik-hanapbuhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang?"


Isang malungkot na mensahe ang ipinost ni Pokwang sa kanyang Twitter account ngayong araw, May 22.

Ito ay patungkol sa diumano'y “humaharang” sa kanyang pagbabalik-trabaho.

Aniya, “Gusto ko lang naman maghanap buhay ng marangal, at bilang nais ko lang din magbalik hanap buhay para sa mga anak ko, bakit parang may humaharang?

“Inaano ko ba kayo? Kaka lungkot naman.”

Walang sinumang binanggit si Pokwang sa kanyang post.

Gayunman, nagpaabot ng mensahe ng pagsuporta para sa comedienne ang ilang fans, na nagpayong huwag na lamang niyang pansinin ito.

Noong May 12, naging tampok si Pokwang sa Mother's Day episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Ito ang una niyang proyekto matapos ang mahabang bakasyon mula sa showbiz.

Nagpahinga si Pokwang dahil sa pagbubuntis niya sa unang anak nila ng boyfriend na si Lee O'Brien, si Malia.

Si Malia ang ikalawang anak na babae ni Pokwang. Ang kanyang panganay ay si Ria Mae.


Stories We Are Tracking

Pokwang furious over accusation of being a negligent mother
Pokwang furious over accusation of being a negligent mother
Pokwang and partner Lee O'Brian welcome Baby Malia
Pokwang and partner Lee O'Brian welcome Baby Malia
Guess who paid Pokwang's Baby Malia a visit
Guess who paid Pokwang's Baby Malia a visit
Pokwang's Baby Malia is the latest Instagram star
Pokwang's Baby Malia is the latest Instagram star


ABOUT THE AUTHOR

#MatabangReporter Follow @nherzjane on social media.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN