Jenine Desiderio unintentionally follows Elmo Magalona on Instagram; unfollows him immediately

IMAGE Instagram / Noel Orsal

Jenine Desiderio promotes daughter Janella Salvador's movie despite their rift. The singer-actress also reveals the qualities that she wants for her daughter.


Sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan, ipinromote pa rin ni Jenine Desiderio ang bagong pelikula ng anak na si Janella Salvador.

Sa kanyang Instagram account kagabi, May 22, nag-post ang veteran singer-actress ng poster ng So Connected, ang pelikula ni Janella katambal si Jameson Blake, na nagbukas sa mga sinehan ngayong Miyerkules, May 23.

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire) on

Sa comments section, sinagot ni Jenine ang ilang netizens na ipinapasok sa usapan si Elmo Magalona, ang mas kilalang ka-love team at napapabalitang boyfriend ni Janella.

Sa mga ulat, si Elmo rin ang itinuturong diumano’y isa sa mga dahilan ng tampuhan ng mag-ina.

Mula pa noong nakaraang taon ay napapabalita na ang hindi pagkakaunawaan nina Jenine at Janella.


Stories We Are Tracking

Jenine clarifies rift with Janella not about parenting style
Jenine clarifies rift with Janella not about parenting style
Jenine Desiderio stands ground on gatecrashing accusation
Jenine Desiderio stands ground on gatecrashing accusation

Tinanong ng isang netizen kung ano ba talaga ang gusto ni Jenine at kung bakit tila ayaw niyang nali-link si Janella kay Elmo.

Sagot dito ni Jenine, “Ang gusto ko lalaking matino na marunong rumespeto. Yung gagabayan yung anak ko sa tama.”


DID JENINE FOLLOW ELMO ON INSTAGRAM? Nilinaw naman ni Jenine ang tungkol sa pag-follow niya diumano kay kay Elmo sa Instagram.

Aniya, "sorry to disappoint you. That was fake news. I never followed him in IG. Dunno how that happened."


Pero may mga netizen na idiniin na nag-follow si Jenine kay Elmo, pero nag-unfollow rin ito makalipas ang ilang araw.

Paliwanag ni Jenine, marahil ay na-follow nga niya ang young actor sa IG nang hindi sinasadya dahil ginagamit ng kanyang nakababatang anak, si Russel, ang telepono niya.


Pero iginiit ni Jenine hindi intentional ang pag-follow niya kay Elmo sa social media, kaya nag-unfollow siya agad nang mapansin nga niyang naka-follow siya rito.

Tanggi ni Jenine, “All I’m saying is I’m very sure I didn’t do it.

“The unfollowing, yes, that was me because I saw it in the news & I was surprised when I checked that I was truly following him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I unfollowed him.”

Buwelta pa ng aktres, “Do I need to follow him?

“Is it a requirement? For what…?”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN