Vice Ganda stands up against Jaya's bashers; reveals Jaya voted for Aila Santos

IMAGE Courtesy: @praybetbenjamin / @jaya on Instagram

Ipinagtanggol ni Vice Ganda si Jaya laban sa mga basher kaugnay ng mainit na usapin tungkol sa naging resulta ng "Tawag ng Tanghalan" kahapon, May 22. Ikinatuwa naman ito ng singer at nagpasalamat sa kaibigan. 


To the rescue si Vice Ganda sa kaibigan at kasamahan sa It’s Showtime na si Jaya matapos atakihin ng bashers ang Queen of Soul.

Ito ay kaugnay ng mainit na usapin tungkol sa naging resulta ng "Tawag ng Tanghalan (TNT)" sa episode ng noontime show ng ABS-CBN kahapon, May 22.

Naging trending topic sa Twitter ang "TNT" segment kahapon dahil hindi nagustuhan ng maraming manonood ang pagkakatanggal ni Aila Santos sa kumpetisyon.

Mas pinaboran ng mga hurado ang katunggali nitong si Ato Arman.

Si Arman kalaunan ang nakakuha ng isa sa Seats of Power sa "TNT" na maaaring maging susi para makapasok siya sa grand finals ng singing contest.

Si Jaya ang punong hurado ng "Tawag ng Tanghalan."


Stories We Are Tracking

Tawag ng Tanghalan hurados bashed for choosing Ato over Aila
Tawag ng Tanghalan hurados bashed for choosing Ato over Aila

Sa live edition ng It's Showtime ngayong Miyerkules, May 23, hindi kabilang si Jaya sa mga umupong hurado sa "TNT." 

Ngunit nagsalita si Vice upang ipagtanggol ang singer laban sa mga bumabatikos dito.

Sabi ni Vice, “I felt so bad for Miss Jaya. Kasi there are a number of Aila fans na bina-bash si Miss Jaya kahapon.

“And there was no reason for you to bash Miss Jaya kasi, kung hindi niyo po alam, Miss Jaya was one of the two judges who voted for Aila.

“So, ayun po. Someone has to stand up for Miss Jaya.

"I just want to defend her kasi it is not fair for her na bina-bash siya kahapon.

"Nababasa ko, pinipersonal siya, e."

Diin pa niya, "Hindi niyo po alam na si Miss Jaya ang isa sa dalawang judges na bumoto kay Aila kaya huwag mangba-bash.”

Ilang minuto ang nakalipas, nag-tweet naman ng pasasalamat si Jaya kay Vice.

Mensahe ng Queen of Soul, “I love you @vicegandako for speaking on my behalf.

"I’m crying now because I absolutely felt your sincerest love. God bless you my friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bago ito, nag-post si Jaya sa Instagram ng mensahe tungkol sa mga taong bastos.

#silence #bekind #mytruth

A post shared by Jaya Ramsey Gotidoc (@jaya) on


ABOUT THE AUTHOR

Top Story Man 2012, Stringer of the Year 2013, Top Contributor 2014, PEP Staff Reporter of the Year 2015, 2016 @arnielcserato on Twitter and Instagram


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN