Kris Aquino admits to being annoyed by a tactless netizen

IMAGE Photo grabbed from You Tube (The Aquinos)

A tactless netizen ticks Kris Aquino off when the netizen commented that Kris is alarmingly unhealthy and this might lead to her losing her endorsements.


Napikon si Kris Aquino sa isang netizen dahil sa pagiging tactless nito o hindi magandang salita kaugnay ng kalusugan ng actress-host.

Sa kanyang Instagram account nitong Martes, May 22, nag-post si Kris tungkol sa hindi niya pagdalo sa event ng mall na iniendorso niya matapos atakihin ng allergy at biglang pagbaba ng kanyang blood pressure.

A post shared by KRIS (@krisaquino) on

Sa comments section, tinawag ng isang netizen na sakitin pa rin si Kris, kahit lahat ng pag-iingat ay ginawa na nito at kinukonsulta ang pinakamagagaling na doktor.

Sabi pa ng netizen, “Nakaaalarma na yan Ms Kris.

“I’m worried mamaya mga endorsers mo mawawala.

“Get well soon.”

Sa sagot ni Kris, ipinahayag ni Kris ang pagdududa sa netizen kung troll lang ito dahil wala itong post sa kanyang account.

Ani Kris, “Sino ba ang gustong forever may allergic reaction or maging lampa like me?”

Pag-correct pa ni Kris, “And P.S. the proper term is ENDORSEMENTS.”


Nakisimpatiya naman ang ilang followers ni Kris dahil sa tila pagiging tactless ng netizen.

Muling sumagot si Kris at inaming hindi niya nagustuhan ang komento ng naturang netizen.

“I have been accused of being ‘tactless’ but diba may mali kung kabuhayan na nung tao ang tinataningan?”

Sabi pa ni Kris, kahit may sakit siya ay nangingibawbaw pa rin ang pagka-professional niya pagdating sa trabaho.

“My team knows & all my endorsements know how many times I’ve shown up for shoots regardless of how unhealthy I was and still delivered.

Inamin ni Kris na napikon siya sa netizen.

Aniya, “A woman who hasn’t worked for me or w/ me was so quick to judge.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN