Kris Aquino makes a surprise appearance at Mayor Herbert Bautista's birthday celebration

IMAGE Facebook

Kris Aquino joins surprise birthday party for Mayor Herbert Bautista organized by his high school friends.


Mukhang nadadalas ang pagkikita at pagsasama ni Kris Aquino at ng ex-boyfriend niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Pagkatapos mabalita ang kanilang movie date nang magkasama silang manood ng pelikulang Kasal noong nakaraang linggo, pinuntahan naman ni Kris si Herbert sa surprise birthday party na in-organize ng high school friends ng actor-politician sa isang restaurant sa Quezon City nitong gabi ng May 23, Miyerkules.


Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), nagkataon daw kasing malapit sa venue ang shooting ni Kris para sa pelikula niyang I Love You, Hater under Star Cinema.

Nang dumating sa venue si Herbert ay nalaman ito ni Kris.

Kaya naman nang mag-change set-up ay nagpaalam sandali sa shooting si Kris at nag-decide na dumaan sa restaurant para bumati kay Herbert at mag-hi sa mga bisita ni Mayor.

Natuwa at nasorpresa nga raw ang high school friends ni Herbert sa pagdating ni Kris.


Sabi pa ng PEP.ph source, narinig niya raw na biniro si Mayor ng isa nitong kaibigan at sinabing, “Pare, kaya pala nagpabango ka pa!”

Hindi naman daw nagtagal si Kris sa party dahil kinailangan pa nitong bumalik sa shooting.

Ang aktuwal na 50th birthday ni Mayor Herbert ay noon pang May 12.

Sa isang interview ni Kris kamakailan, sinabi niyang hindi siya nililigawan ulit ni Herbert. Magkaibigan daw sila at walang romantic na nagaganap sa pagitan nila.

“We’re friends and that’s cliché as it can be. But we really are friends,” ani Kris.


Stories We Are Tracking

Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista
Kris Aquino goes on movie date with Mayor Herbert Bautista


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN