Ruby Rodriguez and daughter Toni Aquino slam basher over vile comments

IMAGE Instagram (@ninichips)

Ruby Rodriguez and daughter Toni Aquino slam netizen for posting vile comments about their family.


Hindi pinalampas ni Ruby Rodriguez at ng anak nitong si Toni Aquino ang isang basher na inalipusta ang kanilang pamilya

Nagsimula ito nang mag-post si Toni ng selfie nito may dalawang linggo na ang nakalilipas.

Noong nakaraang linggo, isang basher ang nagkomento ng kung anu-anong pangit na salita laban sa kanya.

Sinagot naman ito ng anak ni Ruby.

Buwelta ni Toni sa basher, “Maybe hahaha pero at least ako may manners ikaw ata ate wala at puro filter lang gamit mo. Go lang bash lang ng bash may magagawa yang mabuti sayo.”

Nagkomento rin dito si Ruby at pinayuhan ang anak na huwag sagutin ang bashers.

“They are happy insulting, degrading others while they can’t be happy for others success,” bahagi ng komento ng Eat Bulaga! host.


Tila mas na-provoke ang anak ni Ruby dahil may komento ang basher na pati ang nakababata niyang kapatid ay idinamay at kinutya ng basher.

Hindi na mababasa ang komento ng basher, pero matutukoy ang laman nito base sa ikalawang sagot ni Toni.

Bahagi ng komento ni Toni, “Masaya ka sa ginagawa mo? Kala mo nakakaganda sayo? Hahahah! Go lang girl bash ka at insultuhin mo ako. Pero sa pagdamay mo sa kapatid ko yan ang mali mong ginawa.”

Sinagot siya ng basher at sinabihan si Toni ng “lahi nyo abnormal ok”


Hindi na rin napigilan ni Ruby na sagutin ang basher.

Mensahe ng Eat Bulaga! host, “ok you have crossed the line. Politically correct term is Special Child.

"Yes he has ADHD WITH DYSLEXIA. I do not even wish for you that u have a child with special needs.

"Im sorry for your Ignorance.”

Ang ADHD o attention deficit hyperactivity disorder ay kundisyon kung saan ang tao ay hyperactive at hindi makontrol ang impulses.

Ang dyslexia naman ay isang reading disorder.

Hindi pa rin tumigil ang basher at inulit ang katagang "lahing abnormal" at tinawag pang "balyena" si Ruby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sunud-sunod naman ang komento ng netizens upang suportahan ang pamilya ni Ruby at batikusan ang basher dahil sa pangit na inasal nito.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN