Dingdong Dantes explains going back to school: "Marami akong hindi alam kaya kailangan kong mag-aral."

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes is taking up a Master in Public Management course at the University of the Philippines Open University. He also attended a three-day leadership seminar here in Manila facilitated by the Harvard University. 


Sa press conference ng bagong pelikula nina Dingdong Dantes at Anne Curtis na Sid and Aya (Not A Love Story), umiwas ang Kapuso actor na pag-usapan ang pulitika at ang napapabalitang pagtakbo niya sa 2019 Senate elections. 

Mas naging maingay ang usap-usapang papasukin ni Dingdong ang pulitika dahil sa ilang posts niya sa Instagram.

Kabilang na rito ang post niya na course guide ng Public Management 201: Theory and Practice of Public Administration noong Marso.

Nasundan naman ito ng post na may kaugnayan sa Harvard University, isang tanyag na unibersidad sa U.S.

Sa kanyang Instagram Story, nag-post si Dingdong ng litrato habang tinatanggap ang Certificate of Participation sa ginanap na leadership workshop na “Philippine Emerging Leaders Initiative.”


Ilan sa mga nakakita ng nasabing posts ay napaisip kung mag-aaral ba siya sa naturang unibersidad.

Paliwanag ni Dingdong, “Isa siyang leadership course na dinala rito sa Pilipinas to accommodate yung mga hindi makapunta dun [sa States].

“Parang it’s especially made for people in Asia, at ang Pilipinas ang isa sa pinuntahan nila.

“Nakahanap sila ng participants, [it's a] basic leadership course na puwede mong ma-apply sa kahit anong industry.

"Like ako, yung application ko sa NGOs at sa pagiging artista.

“Yung iba dun, mga business people, so iba’t ibang tao ang kasama ko.”

Tatlong araw lang daw ang seminar at hindi mahabaang pag-aaral.

Katatapos lang din ni Dingdong ng isang semester para sa kanyang Master of Public Management course sa U.P. Open University, at posible raw na mahigit isang taon pa bago niya ito matapos.

Bakit niya ginagawa ang lahat ng pag-aaral na ito?

Sagot ng 37-year-old actor, “E, tanggap ko kasi na ano ako... palaging uhaw sa kaalaman.

“Marami akong hindi alam kaya kailangan kong mag-aral.”

BACK TO DIRECTING. Bumalik naman sa pagdidirek si Dingdong sa anniversary episode ng Tadhana, ang drama anthology sa GMA-7 na ang host ay ang misis niyang si Marian Rivera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang pagkakataon na idinirek ni Dingdong si Marian.

“Long overdue na rin ito,” nakangiting sabi ni Dingdong, na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ilang araw bago ang taping ng Tadhana.  

Sa palagay raw niya, walang dahilan para kabahan si Marian tulad ng sinabi ng aktres nang nabanggit na si Dingdong ang magiging direktor niya.

Ayon kay Dingdong, “Napakaano nun, sa set, maaga palaging dumarating, alam niya ang lines niya.

“Kung ano siya noong nagkakilala kami sa Marimar, sigurado akong ganun pa rin ang gagawin niya ngayon.

“Kahit sa mga co-actors niya, yun ang feedback. Walang nagkakaproblema, lalo na ang mga director.”

Ang production staff ng Tadhana raw ang nag-request na idirek ni Dingdong si Marian.

Ito ay para sa isang special episode kung saan hindi lang host si Marian kundi ito rin mismo ang gaganap.

“Gagawin ko ito sa kanila for the love of it dahil show niya ito,” ani Dingdong.

Wala siyang talent fee rito?

“Oo, sabi ko hindi naman kailangan, para sa kanila.”

Nilinaw ni Dingdong na hindi pa naman talaga siya magbabalik muli sa pagdidirek. Para lang daw sa Tadhana kaya siya bumalik sa larangang ito.

Ayon pa sa Kapuso Primetime King, “Siyempre mas gusto ko ngayon na nasa bahay kapag may free time.”

Ilan sa mga naunang directing projects ni Dingdong ay ang segment na "Daddy's Angel" sa pelikulang Angels (2007), at episodes sa mga TV show na 'Wag Kukurap, Encantadia, at Atlantika. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN