Are Angelica Panganiban and JM de Guzman's dad throwing shade at each other?

IMAGE Noel Orsal

Angelica Panganiban sends out warning on her Instagram story: "Wag ako. Pumapatol ako kapag pamilya ko nasa usapan."


Isang matalinhagang mensahe ang ipinost ni Angelica Panganiban sa social media para sa diumano'y tumitira sa kanyang pamilya.

Sa pamamagitan ng Instagram Story kahapon, May 23, nag-post si Angelica ng tila isang mother-and-daughter card na may quote na: “Where you lead I will follow.”

Sa tabi nito ay inilagay ni Angelica ang sumusunod na mensahe:

“Not my Family. Not my Mother. Not my Okja.

“Never cross that line with me.

“Wag ako. Pumapatol ako kapag pamilya ko nasa usapan.”


Bagamat walang binanggit na anumang pangalan si Angelica sa kanyang post, inugnay ng ilang netizens na nakakita nito sa post ng ama ni JM de Guzman na si Ronniel de Guzman.

Nagkatambal sina Angelica at JM sa pelikulang That Thing Called Tadhana (2014).

Base sa ilang gossip websites, nag-post si Ronniel ng screenshot ng Okja sa kanyang private account sa Instagram.


Ang Okja ay isang Korean action-adventure movie sa Netflix.

"Okja" rin ang gamit na term of endearment ni Angelica para sa kanyang ina.

Isa pang dahilan kaya naiugnay ang post ni Angelica sa ama ni JM ay dahil sa dating post ng huli, kung saan makikitang kasama ng aktor ang aktres at ilang pang kaibigan na nag-iinuman.

Sa caption ay isinulat ni Ronniel ang mga salitang “RECOVERING PO.”

Kasama rin dito ang mga hashtag tulad ng #supportgroup #thelastsupper #trueprens #postpamore #twoyearsinrehab #maymali #ikawnaumiwas #wrongcompany.


Nag-post din si Ronniel ng larawan ng kanyang sariling ina.

Kapansin-pansin sa caption nito ang hashtag na kanyang ginamit: #respectyourparents.


Maliban sa mga ito, walang anumang direktang post si Ronniel tungkol kay Angelica o sa pamilya ng aktres.

Sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na hingin ang pahayag ng ama ni JM tungkol sa isyung ito, sa pamamagitan ng pagpapadala ng text message kaninang umaga, ngunit wala pa siyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal ding nawala sa showbiz si JM dahil sa rehabilitasyon niya mula sa pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot.

Matapos ang dalawang taon, nagbalik ang aktor sa telebisyon sa pamamagitan ng ABS-CBN afternoon drama series na Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.

Sa ginanap na press conference ng programa, inamin ni JM na life-long struggle ang kanyang rehabilitasyon.

Gayunman, positibo siyang magtutuluy-tuloy lang ito lalo pa't tiwala siya sa kanyang matibay na support group.


Stories We Are Tracking

JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman admits rehabilitation is a life-long struggle
JM de Guzman blames no one but himself for drug relapse
JM de Guzman blames no one but himself for drug relapse
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab
JM de Guzman admits giving up on showbiz after second rehab
JM de Guzman opens up about drug abuse issue
JM de Guzman opens up about drug abuse issue


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN